Ang lahat ba ay nagbigay galang noong dumaan ang Panginoong Hesus? Si Kristo mismo ang nasa anyo ng tinapay na ito. Siya ay naririto, katawan at dugo.
Tuwing daraan tayo sa harapan ng tabernakulo at Banal na Sakramento ay dapat tayong lumuhod. Maaring isa (genuflect) o dalawang tuhod na sayad sa lupa o kaya nama’y isang magalang na pagyuko man lamang.
Ibinigay ni Hesus ang lahat para sa atin, maging ang Kanyang buong sarili sa Banal na Eukaristiya. Ang pagbibigay galang sa Kanya sa Banal na Sakramento ay isang maliit na bagay lamang na ating magagawa nang may pagmamahal at pagsamba sa Kanya.
Long Live Christ the King!