ANG KARUNUNGAN NI SANTO TOMAS DE AQUINO | Enero 28
Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications

Makikita ang karunungan sa ating buhay kung ginagamit natin lahat ng ating kakayahan at kaalaman para sa papuri sa Panginoon at upang tulungan ang iba na mapalapit sa Kanya.

The body content of your post goes here. To edit this text, click on it and delete this default text and start typing your own or paste your own from a different source.Maligayang Paggunita kay Santo Tomas de Aquino!


Isa siyang pari at pantas ng Simbahan. Siya rin ay kilala dahil sa kanyang karunungan. Maraming mga iskolar ang nag-aaral ng kanyang mga sinulat, lalo na ang “Summa Theologica.” Ang aklat na ito ay hindi nakumpleto ngunit maraming bagay patungkol sa pilosopiya at teolohiya ang tinuturo dito ni Santo Tomas de Aquino. Paano nga ba natin masasabi na tayo ay may karunungan? Ito ba ay sa dami lamang ng alam natin sa iba’t ibang paksa? Sa katotohanan, ang tunay na karunungan ay nagmumula sa Diyos. Makikita ang karunungan sa ating buhay kung ginagamit natin lahat ng ating kakayahan at kaalaman para sa papuri sa Panginoon at upang tulungan ang iba na mapalapit sa Kanya.


Para kay Santo Tomas de Aquino, hindi niya sinulat ang “Summa Theologica” dahil gusto niya maging sikat at kilala. Sa halip, ito ay upang tulungan ang mga tao na higit mapalalim ang kanilang pananampalataya at kaalaman pagdating sa ating pananampalataya. Bukod pa ito upang mabigyan ng kasagutan ang ilang atake laban sa Simbahang Katolika. Higit sa lahat, tayo ay inaanyayahan ng Diyos na isabuhay ang ating pananampalataya tulad ng halimbawa ni Santa Tomas de Aquino. Namumuhay na tayo sa panahon na ang mga batas na isinusulong ay taliwas sa pananampalataya at moralidad na itinuturo ng Bibliya. Maraming mga tao ang nagsasabi ng mali patungkol sa Simbahan. Nawa’y maging oportunidad ito upang aralin natin ang ating pananampalataya at maalala na sa pamamagitan ng malalim na debosyon sa Panginoon, dito natin matatanggap ang karunungan na sa Kanya nagmumula at hindi maibibigay ng mundo.


Santo Tomas de Aquino, ipanalangin mo kami.


By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 24, 2025
Si San Francisco ng Sales ay isang obispo at pantas ng Simbahan. Siya ay kilala bilang “the gentleman saint”.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 20, 2025
Maaaring hindi natin nararanasan ang pagdurusa na naramdaman ng santo na ating ginugunita ngayon, ngunit tayo ba ay patuloy na naninindigan sa ating pananampalataya?
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 19, 2025
Malapit sa puso ng mga Pilipino ang debosyon sa Señor Sto. Niño. Sa wikang Ingles, ang ibig sabihin nito ay “Holy Child”. Ang “Holy Child” na ito ay walang iba kundi si Hesus.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 17, 2025
Isa sa kanyang sikreto sa kabanalan ay ang pagdarasal sa Diyos sa maraming beses sa isang araw, lalo na oras ng temptasyon mula kay Satanas.
By KN Marcelo | OLA Social Communications January 15, 2025
Tuwing ika-15 ng Enero ay ginugunita ng Simbahan ang kabanalan ni San Arnold Jannsen. 
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 12, 2025
Ang pagbibinyag ni Juan Bautista kay Hesus ay hudyat ng simula ng pampublikong ministeryo ng ating Panginoon. Magsisimula na ang tatlong taon Niyang pamamalagi sa mundo upang magpagaling ng mga maysakit, magpalayas ng demonyo at mangaral ng Mabuting Balita.
By KN Marcelo | OLA Social Communications January 9, 2025
Nakikita ng mga tao ang kanilang paghihirap sa paghihirap ng Panginoon. Dahil sa Kanya, nararamdaman ng bawat deboto na mayroong Diyos na pwede nilang lapitan – Diyos na handang dumamay sa kanilang pinagdaraanan at nakaiintindi sa kanilang nararamdaman.
January 9, 2025
Nagpakita na ang Panginoon sa atin. Ipinakikila Niya ang sarili bilang Hari ng mga hari.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications December 15, 2024
Sa ebanghelyo natin ngayon, tinuturuan tayo ni San Juan Bautista na magbigay sa mga hindi natin kakilala - doon sa mga hindi tayo mabibigyan pabalik. Sila rin ay kasama sa panahon ng Kapaskuhan. Sila rin ay mahal ng Diyos, inaanyayahan din tayong mahalin at bigyan sila ngayon.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications December 14, 2024
Ang purong pag-ibig ay ang pagmamahal sa Diyos, hindi dahil sa may nakukuha tayo sa Kanya, kundi dahil ito ang kalooban ng Diyos at nakalulugod sa Kanya.
More Posts
Share by: