Tuwing ika-15 ng Enero ay ginugunita ng Simbahan ang kabanalan ni San Arnold Jannsen.
Ipinanganak si San Arnold Jannsen noong Enero 5, 1837 sa Alemanya. Pinalaki siya sa isang Katolikong pamilya, at mula sa murang edad ay nagpakita na siya interes sa paglilingkod sa simbahan. Kalaunan ay pumasok siya sa seminaryo at naordinahan noong 1861. Bilang pari, siya ay naglingkod siyang guro at tagapayo sa mga batang seminarista. Taong 1875 nang itatag ni St. Arnold Jannsen ang Society of the Divine Word (SVD). Ito ay kongregasyon o samahana ng mga misyonero na pumupunta sa iba’t ibang panig ng mundo upang ipalaganap ang pananampalatayang Kristiyano. Sa kabila ng kanyang pagod at mahirap na gawain bilang misyonaryo, nagpatuloy si St. Arnold sa kanyang misyon hanggang sa nagkasakit siya. Pumanaw siya noong January 15, 1909, Netherlands, sa edad na 72. Idineklara siyang santo ng Simbahang Katolika noong 2003.
Ang pinakamahalagang bahagi ng buhay ni St. Arnold ay ang kanyang dedikasyon sa misyon ng pagpapalaganap ng Salita ng Diyos. Bilang mga Kristiyano, may misyon din tayong ipalaganap ang Mabuting Balita. Kung minsan ay kinakailangan nating magsalita upang ibahagi ito sa iba. Ngunit sa mas maraming pagkakataon, tinatawag tayo upang maging saksi sa pamamagitan ng ating mabubuting kilos at gawa. Kung nagsisikap tayong itaguyod ang kabutihan ng nakararami at hindi lamang ang ating pansariling interes, tayo ay nagiging saksi sa kabutihan ng Diyos. Kung tayo ay mayroong pagmamalasakit sa mahihirap ng lipunan sa pamamagitan ng konkretong pagtulong sa kanila, naipaparamdam natin ang pagkalinga ng Diyos. Kung inaalagaan natin ang mga bata, matatanda, may sakit, at iba pang nangangailangan, nagiging daluyan tayo ng pag-ibig ng Diyos. Maging inspirasyon nawa natin ang buhay ni San Arnold Jannsen sa pagtupad ng misyon na ito.
San Arnold Jannsen, ipanalangin mo kami!