PAGGUNITA KAY SAN FRANCISCO DE SALES | Enero 24
Marga de Jesus | OLA Social Communications

Si San Francisco ng Sales ay isang obispo at pantas ng Simbahan. Siya ay kilala bilang “the gentleman saint”.

Si San Francisco ng Sales ay isang obispo at pantas ng Simbahan. Siya ay kilala bilang “the gentleman saint”. Kilala sa pagiging malumanay, hindi niya itinuring nang marahas ang mga kaaway sa pananampalataya. Ang gamit niya ay pag- ibig ng Diyos at pagkamahinanon para maibalik sila sa totoong pananalig sa Panginoon. Bagaman mataas ang pinag-aralan at galing sa isang maharlikang pamilya, pinili niyang iwan ang lahat ng yaman at titulo upang maging lingkod ng Diyos na pari. Mahalagang pagnilayan natin sa araw na ito, paano natin ituring ang ating mga kaaway? Namumuhi ba tayo sa kanila o puno tayo ng pagpapatawad, pananalangin, pag-ibig at pag-asa na sila ay mababago ng Diyos? Ano ang nais ng Diyos na iwan natin upang makapaglingkod tayo sa Kanya nang lubos? Sabihin at ialay natin ang mga ito sa Kanya upang wala nang maging balakid sa ating pagtugon sa Kanyang tawag sa atin. Amen. +


San Francisco de Sales, ipanalangin mo kami!


By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 20, 2025
Maaaring hindi natin nararanasan ang pagdurusa na naramdaman ng santo na ating ginugunita ngayon, ngunit tayo ba ay patuloy na naninindigan sa ating pananampalataya?
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 19, 2025
Malapit sa puso ng mga Pilipino ang debosyon sa Señor Sto. Niño. Sa wikang Ingles, ang ibig sabihin nito ay “Holy Child”. Ang “Holy Child” na ito ay walang iba kundi si Hesus.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 17, 2025
Isa sa kanyang sikreto sa kabanalan ay ang pagdarasal sa Diyos sa maraming beses sa isang araw, lalo na oras ng temptasyon mula kay Satanas.
By KN Marcelo | OLA Social Communications January 15, 2025
Tuwing ika-15 ng Enero ay ginugunita ng Simbahan ang kabanalan ni San Arnold Jannsen. 
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 12, 2025
Ang pagbibinyag ni Juan Bautista kay Hesus ay hudyat ng simula ng pampublikong ministeryo ng ating Panginoon. Magsisimula na ang tatlong taon Niyang pamamalagi sa mundo upang magpagaling ng mga maysakit, magpalayas ng demonyo at mangaral ng Mabuting Balita.
By KN Marcelo | OLA Social Communications January 9, 2025
Nakikita ng mga tao ang kanilang paghihirap sa paghihirap ng Panginoon. Dahil sa Kanya, nararamdaman ng bawat deboto na mayroong Diyos na pwede nilang lapitan – Diyos na handang dumamay sa kanilang pinagdaraanan at nakaiintindi sa kanilang nararamdaman.
January 9, 2025
Nagpakita na ang Panginoon sa atin. Ipinakikila Niya ang sarili bilang Hari ng mga hari.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications December 15, 2024
Sa ebanghelyo natin ngayon, tinuturuan tayo ni San Juan Bautista na magbigay sa mga hindi natin kakilala - doon sa mga hindi tayo mabibigyan pabalik. Sila rin ay kasama sa panahon ng Kapaskuhan. Sila rin ay mahal ng Diyos, inaanyayahan din tayong mahalin at bigyan sila ngayon.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications December 14, 2024
Ang purong pag-ibig ay ang pagmamahal sa Diyos, hindi dahil sa may nakukuha tayo sa Kanya, kundi dahil ito ang kalooban ng Diyos at nakalulugod sa Kanya.
By KN Marcelo | OLA Social Communications December 12, 2024
Sa pagdiriwang natin ng kapistahang ito, tularan nawa natin ang Mahal na Birhen. Siya ay sumunod sa utos ng Diyos na maging Ina ni Hesus kahit na hindi niya lubusang nauunawaan ang mangyayari.
More Posts
Share by: