ANG DEDIKASYON NI SAN ANTONIO | Enero 17
Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications

Isa sa kanyang sikreto sa kabanalan ay ang pagdarasal sa Diyos sa maraming beses sa isang araw, lalo na oras ng temptasyon mula kay Satanas.

Maligayang Paggunita kay San Antonio, abad! Si San Antonio ay namuhay sa isang mayamang pamilya ng mga Katoliko ngunit noong narinig niya ang tinig ng Diyos at nakita niya na siya ay tinatawag ng Panginoon upang ibigay ang kanyang buong sarili sa Kanya, pinili niya na mamuhay sa disyerto upang maging banal. Marahil bilang mga layko na may kanya-kanyang pamilya o kaya ay trabaho ay maisip natin na wala tayong matututuhan sa isang tao na karamihan ng kanyang buhay ay nasa disyerto. Ngunit, marami tayong aral na mapupulot sa kanyang buhay.


Una ay ang kanyang pagpapahalaga sa Diyos kaysa sa kanyang kayamanan. Noong pumunta sa Banal na Misa si San Antonio, narinig niya sa Ebanghelyo ang utos ni Hesus sa mayaman na ibigay ang lahat ng kanyang pag-aari sa mahihirap at siya’y magkakaroon ng kayamanan sa langit (Mateo 19:21). Ganito nga ang kanyang ginawa at binigay niya sa mahihirap at sa kanyang pamilya ang kanyang mga salapi upang mamuhay sa disyerto. Totoo na hindi natin ito magagawa kung tayo ay may binubuhay na pamilya at kailangan nila ang ating tulong. Gayunpaman, ang dahilan kung bakit ginawa iyon ni San Antonio ay dahil nalaman niya ang kahalagahan ng pagtitiwala sa Diyos at ang kahalagahan ng kaharian ng langit na hindi niya maipagpapalit sa makamundong pera. Gayundin, maaari tayong matukso na magkaroon ng bagong trabaho, dumami ang pera at iba pa ngunit baka dahil doon ay mas madali tayo magkasala dahil sa pag-iinom ng alak, kaunting oras magdasal, pagpapabaya sa Banal na Misa at iba pa. Tandaan natin na lahat ng ating natanggap na biyaya ay para sa kabutihan at hindi dapat ito maging balakid sa ating relasyon sa Diyos.


Ikalawa, marami tayong matututuhan kay San Antonio pagdating sa pagdarasal. Gaano kadalas po ba tayo nagdarasal at gaano ito kahaba? Pagkagising lang po ba at bago matulog? Mga ilang segundo na dasal lang po ba ito at sa karamihan ng ating oras ay hindi na tayo nagdarasal? Natatawa ba tayo sa mga Katoliko na nakikita natin madalas magdasal sa iba’t ibang oras? Si San Antonio ay modelo ng pagdarasal dahil nakita niya ito bilang sandata laban sa demonyo. Siya ay tinutukso na maging tamad sa pagdarasal, na mawalan ng pag-asa sa disyerto, na magkasala sa pagnanasa at iba pa. Isa sa kanyang sikreto sa kabanalan ay ang pagdarasal sa Diyos sa maraming beses sa isang araw, lalo na oras ng temptasyon mula kay Satanas. Marahil ay sabihin natin na marami tayong trabaho at ginagawa, ngunit hindi ito balakid sa ating pagdarasal. Halimbawa ay sa paghuhugas ng plato at paglilinis, maaari nating ipagsabay ang pagdadarasal sa mga gawaing ito tulad ng ginagawa ng mga santo. Maaari tayo magdasal ng rosaryo, magnilay sa ating kasalanan at iba pa. May mga pagkakataon naman na ang ating isipan ay kailangan ibigay sa trabaho tulad sa opisina. Ngunit, ano po ba ang ginagawa natin kapag tayo ay sumasakay sa pampublikong sakayan at kapag may libreng oras tayo na wala tayong ibang ginagawa? Sa iba, marami silang oras na nagugugol sa mga laro, sa social media, sa panunuod sa Netflix at iba pa. Kasama natin ang Panginoon sa bawat segundo ng ating buhay. Maaari tayong magdasal ng rosaryo, magbasa ng Banal na Bibliya, pumunta sa Adoration Chapel o kaya sa “Online Adoration”, magnilay sa sulat ng mga santo at marami pang iba. Kung nais natin malabanan ang tukso ng demonyo at makapasok sa kaharian ng langit, napakahalaga na putulin ang mga oras na nasasayang natin at maaaring ibigay sa Diyos sa ating mga panalangin. Maaaring mahirap ang magbago ngunit walang imposible sa Diyos lalo na kung ito ay para sa kapakanan ng ating kaligtasan.


San Antonio Abad, ipanalangin mo kami.


By KN Marcelo | OLA Social Communications February 5, 2025
Gaya ni San Blas, huwag nawa tayong mag-alinlangang ipagtanggol ang ating pananampalataya. Huwag tayong matakot sa pangungutya o pag-uusig.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications February 5, 2025
Kapag binigay natin nang buo ang sarili at buhay sa Diyos upang ang plano Niya ang masunod, magkakaroon tayo ng kasiyahan, kapanatagan ng loob at kapayapaan na hindi natin matatagpuan makuha man natin ang lahat ng yaman sa mundo.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 28, 2025
Makikita ang karunungan sa ating buhay kung ginagamit natin lahat ng ating kakayahan at kaalaman para sa papuri sa Panginoon at upang tulungan ang iba na mapalapit sa Kanya.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 24, 2025
Si San Francisco ng Sales ay isang obispo at pantas ng Simbahan. Siya ay kilala bilang “the gentleman saint”.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 20, 2025
Maaaring hindi natin nararanasan ang pagdurusa na naramdaman ng santo na ating ginugunita ngayon, ngunit tayo ba ay patuloy na naninindigan sa ating pananampalataya?
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 19, 2025
Malapit sa puso ng mga Pilipino ang debosyon sa Señor Sto. Niño. Sa wikang Ingles, ang ibig sabihin nito ay “Holy Child”. Ang “Holy Child” na ito ay walang iba kundi si Hesus.
By KN Marcelo | OLA Social Communications January 15, 2025
Tuwing ika-15 ng Enero ay ginugunita ng Simbahan ang kabanalan ni San Arnold Jannsen. 
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 12, 2025
Ang pagbibinyag ni Juan Bautista kay Hesus ay hudyat ng simula ng pampublikong ministeryo ng ating Panginoon. Magsisimula na ang tatlong taon Niyang pamamalagi sa mundo upang magpagaling ng mga maysakit, magpalayas ng demonyo at mangaral ng Mabuting Balita.
By KN Marcelo | OLA Social Communications January 9, 2025
Nakikita ng mga tao ang kanilang paghihirap sa paghihirap ng Panginoon. Dahil sa Kanya, nararamdaman ng bawat deboto na mayroong Diyos na pwede nilang lapitan – Diyos na handang dumamay sa kanilang pinagdaraanan at nakaiintindi sa kanilang nararamdaman.
January 9, 2025
Nagpakita na ang Panginoon sa atin. Ipinakikila Niya ang sarili bilang Hari ng mga hari.
More Posts
Share by: