SAN PEDRO AT SAN PABLO | Dakilang Kapistahan
Jasper Rome | OLA Social Communications

Tayo ay magtulungan tulad nina San Pedro at San Pablo, upang ang mabuting layunin ng Diyos ay matupad sa mundo.

Hunyo 29, 2024


Ipinagdiriwang ngayon ng Simbahan ang Dakilang Kapistahan nina San Pedro at San Pablo. Sila ang mga haligi ng Simbahan at mga tagapagpahayag ng Mabuting Balita. Kung iisipin, ang dalawang dakilang santo ay magkaiba sa kanilang tinahak na landas at pag-uugali. Si San Pedro ay ang Santo Papa na nangangasiwa sa buong Simbahan samantalang si San Pablo ay isang misyonerong nagpakalat ng Mabuting Balita sa iba’t ibang lugar. Gayunpaman, pareho silang inaalala bilang mga prinsipe ng Simbahan.


Sina San Pedro at San Pablo ay mga huwaran para sa atin. Sila ay mga dakila ngunit sa kanilang nakaraan, dati rin silang mga ordinaryo at simpleng tao. Sila ay nagmula sa mga hindi inaasahang sitwasyon. Sa kabila ng lahat, ito ang nagdala sa kanila sa paglilingkod sa Diyos sa pamamagitan ng kanilang ministeryo.


Si San Pedro ay isang mangingisda tulad ng kanyang kapatid na si Andres. Ipinakilala siya ni Andres sa Panginoong Hesukristo. Si Pedro ay isang matapang na tagasunod ng Panginoon. Siya rin ang unang nakakilala kay Hesus bilang Mesiyas. Noong dumating ang mga dumakip sa Panginoon, siya ay natakot na mamatay. Sinabi niya sa Panginoon na siya ay mamamatay para sa Kanya, ngunit tinanggihan niya ang Panginoon nang tatlong beses bago ang pasyon. Sa kabila ng kanyang kahinaan, si San Pedro ay pinili pa rin upang magpastol sa kawan ng Diyos.


Si San Pablo ay isang tanyag na taga-usig ng mga Kristiyano. Itinuturing siya noon bilang salot ng pananampalataya. Siya ang sanhi ng kamatayan at pagdurusa ng marami. Marami rin ang napopoot at natatakot sa kanya. Naroon si San Pablo noong si San Esteban ay pinagbabato hanggang mamatay. Ganoon man ang nakaraan ni San Pablo, hindi ito ang buhay na nilayon ng Diyos para sa kanya. Siya ay tinawag at ginawang pinakadakilang kampeon sa plano ng Diyos sa mundo.


Anuman ang kanilang nakaraan, sila ay naging instrumento upang ipahayag ang pananampalatayang Kristiyano. Ang dalawang dakilang santo ay nakatagpo ng isang malalim na pagbabago matapos nilang makilala ang Panginoon. Kapwa sila nagpatuloy sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita sa maraming bahagi ng mundo. Nagpatuloy sila sa maraming lungsod, bayan, at nayon.


Sila ay pinag-uusig ng mga Hudyo at ng mga punong saserdote. Maraming beses silang hinuli at pinahirapan. Binigay sila sa mga Romano upang makulong at parusahan nang marami beses. Sa huli, kapwa nagtungo sina San Pedro at San Pablo sa Roma. Doon sila naglingkod sa Diyos at kalaunan ay pinaniniwalaan sa tradisyon na naging martir noong Hunyo 29. 


Tulad nina San Pedro at San Pablo, nagtulungan sila upang marami ang maligtas. Magkaiba man sila, pareho silang tinatawag sa iisang bagay. Sila ay tinatawag upang maging tagapagpahayag ng Diyos. Tulad ng Simbahan, ang bawat miyembro nito ay magkakaiba, ngunit ang lahat ay tinatawag sa iisang bagay, at iyon ay ibahagi ang kaligtasan sa iba. Ang bawat isa sa atin ay tinatawag din ng Diyos upang ibahagi ang Mabuting Balita sa ating sariling paraan at kaloob. Basta’t pahihintulutan natin ang Diyos na kumilos sa atin, mayroon tayong malaking maiaambag sa Simbahan. Tayo ay magtulungan tulad nina San Pedro at San Pablo, upang ang mabuting layunin ng Diyos ay matupad sa mundo. 


By KN Marcelo | OLA Social Communications February 5, 2025
Gaya ni San Blas, huwag nawa tayong mag-alinlangang ipagtanggol ang ating pananampalataya. Huwag tayong matakot sa pangungutya o pag-uusig.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications February 5, 2025
Kapag binigay natin nang buo ang sarili at buhay sa Diyos upang ang plano Niya ang masunod, magkakaroon tayo ng kasiyahan, kapanatagan ng loob at kapayapaan na hindi natin matatagpuan makuha man natin ang lahat ng yaman sa mundo.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 28, 2025
Makikita ang karunungan sa ating buhay kung ginagamit natin lahat ng ating kakayahan at kaalaman para sa papuri sa Panginoon at upang tulungan ang iba na mapalapit sa Kanya.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 24, 2025
Si San Francisco ng Sales ay isang obispo at pantas ng Simbahan. Siya ay kilala bilang “the gentleman saint”.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 20, 2025
Maaaring hindi natin nararanasan ang pagdurusa na naramdaman ng santo na ating ginugunita ngayon, ngunit tayo ba ay patuloy na naninindigan sa ating pananampalataya?
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 19, 2025
Malapit sa puso ng mga Pilipino ang debosyon sa Señor Sto. Niño. Sa wikang Ingles, ang ibig sabihin nito ay “Holy Child”. Ang “Holy Child” na ito ay walang iba kundi si Hesus.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 17, 2025
Isa sa kanyang sikreto sa kabanalan ay ang pagdarasal sa Diyos sa maraming beses sa isang araw, lalo na oras ng temptasyon mula kay Satanas.
By KN Marcelo | OLA Social Communications January 15, 2025
Tuwing ika-15 ng Enero ay ginugunita ng Simbahan ang kabanalan ni San Arnold Jannsen. 
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 12, 2025
Ang pagbibinyag ni Juan Bautista kay Hesus ay hudyat ng simula ng pampublikong ministeryo ng ating Panginoon. Magsisimula na ang tatlong taon Niyang pamamalagi sa mundo upang magpagaling ng mga maysakit, magpalayas ng demonyo at mangaral ng Mabuting Balita.
By KN Marcelo | OLA Social Communications January 9, 2025
Nakikita ng mga tao ang kanilang paghihirap sa paghihirap ng Panginoon. Dahil sa Kanya, nararamdaman ng bawat deboto na mayroong Diyos na pwede nilang lapitan – Diyos na handang dumamay sa kanilang pinagdaraanan at nakaiintindi sa kanilang nararamdaman.
More Posts
Share by: