Ngayong araw ay ating ginugunita ang patron ng mga pari, si San Juan Maria Vianney. Mula sa bansang Pransiya, siya ay naging simple, matapat at mababa ang loob na pari sa kaniyang Parokya. Payak at hayagan niyang tinalakay ang usapin ng kasalanan upang mabago ang kaniyang mga parokyano. Ipanalangin natin ngayong araw na ito ang lahat ng kaparian dahil kailangan nila ito upang magampanan nila nang mabuti ang kanilang mga tungkulin, sa pamamagitan ng awa at grasya ng Diyos.
Bagama’t hindi pari ang karamihan sa atin, matututo tayo sa pagiging simple ni San Juan Maria Vianney bilang daaan sa pagmamahal sa Panginoon. Kung wala tayong sobra sobrang pagmamahal sa sarili at sa mga materyal na bagay tulad niya, mas madali tayong makapagbibigay sa Diyos at sa kapwang nangangailangan.
San Juan Maria Vianney, ipanalangin mo kami. Amen. +