SAN ANDRES, APOSTOL | Nobyembre 30
Jasper Rome | OLA Social Communications

Marapat lang na ipinagdiwang natin ang pagkamartir ni San Andres. Ang kanyang mga huling sandali sa mundo ay buod ng katapatan niya sa ating Panginoong Hesukristo.

Si San Andres ay isa sa mga Apostol na hinirang ng Panginoong Hesukristo. Tinawag siyang "Prokletos" na ang kahulugan ay "Unang Tinawag." Kapatid niya si San Pedro, at siya rin ang nagdala ng tinapay at isda na mahiwagang pinarami ng Panginoon at kinain ng higit kimang libong tao. Dahil sa kanyang pagtuturo ng Ebanghelyo, siya ay kinulong at ipinako sa krus na hugis ekis.


Matapos ang pag-akyat ng ating Panginoong Hesukristo sa langit ay nagmisyon ang mga apostol. Naging pangunahing misyon ni San Andres ang mangaral sa magkakaibang bansa. Naglayag ito upang marating ang taong hindi pa nakikilala si Hesus. Ang kanyang mga pagsusumikap at sakripisyo ay nagbunga sa paglawig ng Katolisismo sa mga bansang kagaya ng Ukraine, Romania at Russia.


May pananabik ang Diyos na masaksihan ang katangian ni San Andres sa ating pagkatao.


Nais ng Panginoon na maging kaisa tayo sa misyon at paglilingkod. Ang ginagalawan nating mundo ay abala sa maraming bagay. Maraming bagong nauuso at naiimbento na madaling nakakaagaw ng ating atensiyon. Sa isang iglap lamang ay maaari tayong makalimot sa tunay na mahalaga. Tiyak na may natatagong alagad sa atin ang Diyos, isang alagad na mabilis tumugon, iyong tumatalima sa Diyos nang walang kapaitan, at sabik na ipalaganap ang kabutihan sa mundo. Ang mga salita ng Diyos ang tanging makapagdudulot ng kapayapaan sa ating mga puso at kaluluwa. Marapat lang na ipinagdiwang natin ang pagkamartir ni San Andres. Ang kanyang mga huling sandali sa mundo ay buod ng katapatan niya sa ating Panginoong Hesukristo.


San Andres Apostol, ipanalangin mo kami!


By Marga de Jesus | OLA Social Communications December 15, 2024
Sa ebanghelyo natin ngayon, tinuturuan tayo ni San Juan Bautista na magbigay sa mga hindi natin kakilala - doon sa mga hindi tayo mabibigyan pabalik. Sila rin ay kasama sa panahon ng Kapaskuhan. Sila rin ay mahal ng Diyos, inaanyayahan din tayong mahalin at bigyan sila ngayon.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications December 14, 2024
Ang purong pag-ibig ay ang pagmamahal sa Diyos, hindi dahil sa may nakukuha tayo sa Kanya, kundi dahil ito ang kalooban ng Diyos at nakalulugod sa Kanya.
By KN Marcelo | OLA Social Communications December 12, 2024
Sa pagdiriwang natin ng kapistahang ito, tularan nawa natin ang Mahal na Birhen. Siya ay sumunod sa utos ng Diyos na maging Ina ni Hesus kahit na hindi niya lubusang nauunawaan ang mangyayari.
By KN Marcelo | OLA Social Communications December 10, 2024
This is a subtitle for your new post
By Marga de Jesus | OLA Social Communications December 10, 2024
This is a subtitle for your new post
By KN Marcelo | OLA Social Communications December 10, 2024
This is a subtitle for your new post
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications December 3, 2024
“Para saan pa ang pagiging mayaman at tanyag natin kung hindi naman maliligtas ang ating kaluluwa?”
By Marga de Jesus | OLA Social Communications November 30, 2024
Huwag nating kalimutan ang may kaarawan – si Hesus. Nais Niyang maghanda tayo sa paggunita sa Kanyang pagdating sa pamamagitan ng mas maraming oras sa Kanya para pasalamatan Siya sa ating buhay; magsuri ng sarili at mga pagkululang sa Kanya.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications November 24, 2024
Naroroon ang Kaharian ng Diyos kung saan naghahari ang Kanyang pag-ibig, hustisiya at kapayapaan.
By Jasper Rome | OLA Social Communications November 22, 2024
Siya ay umawit ng awitin na para sa Diyos habang siya ay pinahihirapan hanggang mamatay.
More Posts
Share by: