“KRISTONG HARI” | Dakilang Kapistahan ng Pagkahari ng Panginoong Hesukristo sa Sanlibutan (B)
Marga de Jesus | OLA Social Communications

Naroroon ang Kaharian ng Diyos kung saan naghahari ang Kanyang pag-ibig, hustisiya at kapayapaan.

Nobyembre 24, 2024


MABUTING BALITA
Juan 18, 33b-37


Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan


Noong panahong iyon, itinanong ni Pilato kay Hesus, “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?’ Sumagot si Hesus, “Iyan ba’y galing sa inyong sariling isipan, o may nagsabi sa inyo?” “Ako ba’y Judio?” tanong ni Pilato. “Ang mga kababayan mo at ang mga punong saserdote ang nagdala sa iyo rito. Ano ba ang ginawa mo?” Sumagot si Hesus, “Ang kaharian ko’y hindi sa sanlibutang ito. Kung sa sanlibutang ito ang aking kaharian, ipinakipaglaban sana ako ng aking mga tauhan at hindi naipagkanulo sa mga Judio. Ngunit hindi sa sanlibutang ito ang aking kaharian!” “Kung gayon, isa kang hari?” sabi ni Pilato. Sumagot si Hesus, “Kayo na ang nagsasabing ako’y hari. Ito ang dahilan kung bakit ako ipinanganak at naparito sa sanlibutan: upang magsalita tungkol sa katotohanan. Nakikinig sa aking tinig ang sinumang nasa katotohanan.”


Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Pagninilay:

“Ang kaharian ko’y hindi sa sanlibutang ito.” Ito ang isa sa mga katagang sinambit ni Hesus habang Siya’y tinatanong ni Pilato bago Siya mahatulan. Isa rin itong bagay na dapat nating tandaan. Una, ang Kaharian ng Diyos ay hindi isang pisikal na lugar dito sa lupa na matatagpuan sa isang perpektong siyudad o perpektong bansa dahil wala nito. Naroroon ang Kaharian ng Diyos kung saan naghahari ang Kanyang pag-ibig, hustisiya at kapayapaan. Ngunit narito ang ikalawa, ang katotohanan na maraming kahinaan at kasalanan ang tao kaya hindi laging sinusunod ang Diyos. Sa mga ganitong pagkakataon na ang masama ang tila nagwawagi, hindi doon magtatapos ang lahat sapagkat mayroong hustisya ang Diyos. Diyos pa rin ang magwawagi sa huli. Diyos ang Hari.


Mayroon pa tayong inaasahan sa susunod na buhay at hindi lamang dito sa mundo napapako ang ating buhay. Darating ang panahon ng paghuhusga na ang mga masasama ay hahatulan at ang mga mabubuti ay makakasama ng Diyos. Kailangan ng ating panalangin para ang mga tao ay magbago at kailangan din nating ihanda ang ating mga sarili sa darating na wakas ng ating buhay at sa pagtatapos ng mundo dahil mayroon tayong paghuhusgang daraanan. Suriin natin ang sarili. Ginawa kaya natin ang lahat ng ating makakaya upang ipalaganap ang paghahari ng Diyos? Ibig sabihin nito’y pagpapakain sa mga nagugutom, pagbibigay sa mga walang wala, pagtatanggol sa mga mahihina, pagmamahal sa kaaway at pagkikipagkasundo tuwing may pagkakabaha-bahagi? Bilang mga anak ng Diyos, ito’y ating responsibilidad na magagawa lamang natin sa tulong ng Diyos. Amen. +


By Jasper Rome | OLA Social Communications November 22, 2024
Siya ay umawit ng awitin na para sa Diyos habang siya ay pinahihirapan hanggang mamatay.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications November 21, 2024
Ang pagpasok ni Maria sa templo ng Diyos ay nagrerepresenta kung paanong tayo ay tinatawag na lumapit sa Kanya na nananahan sa Templo ng ating katawan.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications November 21, 2024
Habang tayo’y naghahanda sa nalalapit na pagtatapos ng kalendaryo ng ating Simbahan, pagninilayan natin ang paghuhusga ng Diyos at ang wakas ng mundo. Dalawa ang paghuhusga na ating mararanasan. Isa sa wakas ng ating buhay at isa sa wakas ng mundo.
By Jasper Rome | OLA Social Communications November 12, 2024
Ang dugo ni San Josafat ay tulad ng isang binhi na ginamit ng Diyos upang pagyabungin at patatagin ang pagkakaisa sa Roma.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications November 11, 2024
Nagbago ang kanyang nanay at pinangunahan ni San Martin ang pagpapatayo ng maraming mga tahanan para sa mga monghe at mga mabuting ehemplo ng pagdarasal at pagsisilbi sa Diyos.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications November 11, 2024
Ang tunay na pagbibigay ay may kalakip na pag-ibig, hindi pagmamalaki. Ang lahat ng sa atin ay mula sa Diyos. Binabalik lamang natin ito kapag tayo ay nagbibigay sa simbahan o sa mga nagugutom.
By KN Marcelo | OLA Social Communications November 9, 2024
Ayon sa sulat ni San Pablo sa mga taga-Corinto, tayo ay templo ng Diyos at naninirahan sa atin ang Kanyang Espiritu. Kaya dapat tayong maging banal sa ating pagkilos at pananalita.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications November 3, 2024
Kung mayroon tayong pag-ibig na mula sa Diyos, matututuhan nating mahalin ng tunay ang Diyos, kapwa at sarili. Ganyan dapat ang pagkakasunod-sunod subalit sa mundo ngayon, tila nabaliktad na.
By KN Marcelo | OLA Social Communications November 2, 2024
Ang buong buwan ng Nobyembre, lalo na ang ika-2 ng Nobyembre, ay itinalaga ng Simbahan bilang paggunita at pananalangin para sa lahat ng yumaong Kristiyano.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications November 1, 2024
Binigyan sila ng grasya at lakas ni Hesukristo, hindi lamang upang magtagumpay sila sa kanilang hangarin na makasama Siya sa Kanyang kaharian, kundi upang magbigay ng pag-asa sa atin.
More Posts
Share by: