Sinabi rin ng Rektor na ang pagmamahal ng Panginoon ay nakatutok sa mga bata tulad ng nabanggit sa ebanghelyo noong araw na iyon.
Idinaos ang pagdiriwang ng Kapistahan ng Señor Sto. Niño de Marikina noong Enero 21, 2024 sa pamamagitan ng isang Banal na Misa. Ito ay pinangunahan ni Rb.Pd Lamberto Ramos, Rektor ng Dambana ng Ina ng mga Walang Mag-ampon at isang prusisyon ng iba’t ibang imahen ng Batang Hesus noong ika-5 ng hapon.
Sa homiliya ni Padre Ramos, kaniyang binigyang diin ang kahalagahan ng pagiging mapagkumbaba. Ito ay pagkakaroon ng mababang loob tulad ng isang bata na isang aral na itinuturo ng mga bata sa mga matatanda.
“Ang tingin ko, iyong humility na tinuturo sa atin ng mga bata is how we should connect with other people. Tayo sa kapwa-tao ay magiging mababang loob. The way we depend on Him in relation to being a child,” wika niya.
Sinabi rin ng Rektor na ang pagmamahal ng Panginoon ay nakatutok sa mga bata tulad ng nabanggit sa ebanghelyo noong araw na iyon. Ang mga bata ay may kababaang loob at hindi naghahangad na pagkilala. Binanggit din niya ang mga katangian ng bata tulad ng pagsunod sa nakatatanda o may awtoridad, pagkakaroon ng tiwala, pagiging ‘dependent’, at pagkakaroon ng ‘short-term memory’, dahilan kung bakit hindi sila nagtatanim ng sama ng loob.
Walang naitalang dokumento ang nagsasabi kung saan nagmula ang imahen at paano nagsimula ang debosyon sa Señor Sto.Niño ngunit mayroong isang ‘pastoral report’ na isinulat noong taong 1905 na nakatabi. Ang “Parroquia de Marikina” ngayon ay ang Dambana ng Ina ng mga Walang Mag-ampon. Nabanggit dito ang mga kapilya o “Visitas tulad ng Nuestra Señora de Inmaculada Concepción, Sto. Niño, San Roque, at San Antonio de Padua.
Sanggunian:
The Meek Santo Niño de Marikina. (2019, January 18). Pintakasi.
https://pintakasi1521.blogspot.com/2019/01/the-meek-santo-nino-de-marikina.html