Nobyembre 3, 2023
Ang kauna-unahang “Parade of Saints” sa ating parokya ay naganap noong ika-28 ng Oktubre. Tuwing malapit na ang Undas, nakaugalian na ng iba na magdamit ng mga nakakatakot. Layunin ng parokya na maibalik ang tunay na ipinagdiriwang tuwing unang araw ng Nobyembre. Ito ay walang iba kundi ang "All Saint's Day" o "Araw ng Lahat ng mga Banal".
Isa itong paalala na may mga taong namuhay noon ayon sa kalooban ng Diyos. Nagtagumpay na sila sa mga pagsubok sa kanilang buhay nang hindi lamang sarili ang iniintindi. Bagkus, inialay nila ang kanilang buhay sa Diyos at sa Simbahan sa iba't ibang paraan. Sila nawa ang ating parangalan. Iwasan natin ang makamundong pamamaraan kung saan ang mga demonyo at nakakatakot na nilalang ang binibigyang importansiya sa pamamagitan ng representasyon.
Tingnan natin ang mga ibang larawan dito:
Ibalik natin ang tunay na diwa ng araw na ito. Maging simbolo nawa tayo ng pagwawagi ng Diyos laban sa mga kasamaan at kasalanan!
Mahal na Ina ng mga Walang Mag-ampon, ipanalangin mo po kami. Amen. +
Marga de Jesus | OLA Social Communications