KATEKESIS SA PAGSUSUNOG NG LUMANG PALASPAS (SILAB-SALA)
Marga de Jesus | OLA Social Communications

Habang sinusunog ang mga palaspas at unti-unti itong nagiging abo, tandaan natin na sa abo rin tayo babalik. 

Pebrero 12, 2024


May mga ibang Parokya na gumagawa nito kapag Linggo o Lunes ngunit mas madalas pa rin itong ginagawa tuwing Martes, ang huling araw sa Karaniwang Panahon bago mag-Kuwaresma o Lenten Season. 40 araw ang itinatagal ng panahon ng Kuwaresma para sa pananalangin, pagbibigay ng limos at pag-aayuno. Bilang tayo ang Simbahan na katawan ni Kristo, tungkulin nating samahan ang Panginoon hindi lamang sa panahong puro kasiyahan (Panahon ng Kapaskuhan), kundi lalo sa panahong kailangan nating magsakripisyo at manalangin para sa ikaliligtas ng ating kaluluwa at ng iba. Kaisa natin si Kristo sa Kanyang pagpapakasakit at ito’y maiaalay natin hindi lamang para sa atin, kundi para sa ating mga mahal sa buhay at sa buong mundo.

Habang sinusunog ang mga palaspas at unti-unti itong nagiging abo, tandaan natin na sa abo rin tayo babalik. Ang buhay natin sa mundo ay saglit lamang at dapat nating suriin ang sarili at tanungin, “Anu-ano ang mga bagay na nakakabalakid sa aking relasyon sa Diyos?” Ang buod ng buhay ay ang makipagkaisa sa Diyos sa ating puso, pamumuhay at kaluluwa upang maging handa tayong makapasok sa Langit kapag dumating ang araw. Tandaang ang bawat isa ay mayroong paghuhusgang daraanan.

Sa huli ay tatanungin ng Diyos kung ano ang mga mabubuting ginawa natin sa buhay lalo na sa ating mga kapatid na nangangailangan. Hindi Niya tatanungin kung ilang diploma ang mayroon tayo at kung ilan ang ating mamahaling sasakyan. Ang mga ito’y sa mata lamang ng tao mahalaga ngunit iba tumingin ang Diyos. Kalugud-lugod para sa Diyos ang pusong nagsisisi at inaamin ang kanyang mga kahinaan at kasalanan sa Kanya. Kaya naman sa ating pagsusuri ng sarili, dapat nating malaman sa pamamagitan ng Espiritu Santo, ang mga kasalanan natin na mahirap mang iwanan ay gusto ng Diyos na ating talikdan, mga ugaling nakasanayan ngunit mali o may ikabubuti pa, mga hinanakit, sama ng loob at poot na dapat ay mawala at mahilom ng Diyos. Lahat ito ay kayang linisin at ayusin ng Diyos. Ang Kuwaresma ang pinakatamang panahon upang ipabago natin sa Diyos ang ating puso at buhay. Gawin natin ang tatlong haligi ng panahon ng Kuwaresma – ang pananalangin, pag-aayuno at pagbibigay ng limos.

Gawin natin ito nang taimtim at sa abot ng ating makakaya. Dumalo tayo sa Banal na Misa, magkumpisal at humingi ng grasya ng Diyos upang maging mabunga ang panahong ito para sa atin hanggang Semana Santa. Ang abo ay tanda ng pagsisisi sa ating mga kasalanan. Sa ating pagtanggap ng abo sa darating ng Ash Wednesday, nawa ay magkaroon tayo ng tunay na hangarin na panibaguhin tayong muli ni Hesus. Simulan natin ang ating Kuwaresma ng may tamang disposisyon at pusong nagsisisi. Kakaawaan tayo ng Diyos at bibigyan ng Kanyang nag-uumapaw na grasya.

By KN Marcelo | OLA Social Communications February 5, 2025
Gaya ni San Blas, huwag nawa tayong mag-alinlangang ipagtanggol ang ating pananampalataya. Huwag tayong matakot sa pangungutya o pag-uusig.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications February 5, 2025
Kapag binigay natin nang buo ang sarili at buhay sa Diyos upang ang plano Niya ang masunod, magkakaroon tayo ng kasiyahan, kapanatagan ng loob at kapayapaan na hindi natin matatagpuan makuha man natin ang lahat ng yaman sa mundo.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 28, 2025
Makikita ang karunungan sa ating buhay kung ginagamit natin lahat ng ating kakayahan at kaalaman para sa papuri sa Panginoon at upang tulungan ang iba na mapalapit sa Kanya.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 24, 2025
Si San Francisco ng Sales ay isang obispo at pantas ng Simbahan. Siya ay kilala bilang “the gentleman saint”.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 20, 2025
Maaaring hindi natin nararanasan ang pagdurusa na naramdaman ng santo na ating ginugunita ngayon, ngunit tayo ba ay patuloy na naninindigan sa ating pananampalataya?
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 19, 2025
Malapit sa puso ng mga Pilipino ang debosyon sa Señor Sto. Niño. Sa wikang Ingles, ang ibig sabihin nito ay “Holy Child”. Ang “Holy Child” na ito ay walang iba kundi si Hesus.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 17, 2025
Isa sa kanyang sikreto sa kabanalan ay ang pagdarasal sa Diyos sa maraming beses sa isang araw, lalo na oras ng temptasyon mula kay Satanas.
By KN Marcelo | OLA Social Communications January 15, 2025
Tuwing ika-15 ng Enero ay ginugunita ng Simbahan ang kabanalan ni San Arnold Jannsen. 
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 12, 2025
Ang pagbibinyag ni Juan Bautista kay Hesus ay hudyat ng simula ng pampublikong ministeryo ng ating Panginoon. Magsisimula na ang tatlong taon Niyang pamamalagi sa mundo upang magpagaling ng mga maysakit, magpalayas ng demonyo at mangaral ng Mabuting Balita.
By KN Marcelo | OLA Social Communications January 9, 2025
Nakikita ng mga tao ang kanilang paghihirap sa paghihirap ng Panginoon. Dahil sa Kanya, nararamdaman ng bawat deboto na mayroong Diyos na pwede nilang lapitan – Diyos na handang dumamay sa kanilang pinagdaraanan at nakaiintindi sa kanilang nararamdaman.
More Posts
Share by: