ANO ANG MIYERKULES NG ABO?
Jasper Rome | OLA Social Communications

Ang paglalagay ng abo sa ating mga noo ay kadalasang sinasamahan ng mga salitang "Alalahanin mo na ikaw ay alabok, at sa alabok ka babalik". 

Pebrero 12, 2024


Ngayong taon, ang Miyerkules ng Abo ay natapat sa ika-14 ng Pebrero, Araw ng mga Puso. Ang Miyerkules ng Abo ay isang Banal na araw ng pananalangin, pag-aayuno, at pagsisisi. Minarkahan ito bilang simula ng Kuwaresma, ito ay isang panahon kung saan sa loob ng apatnapung araw, tayo ay nagsasakripisyo. Humahantong ito sa Pasko ng Muling Pagkabuhay.

Ang Miyerkules ng Abo o "Ash Wednesday" ay ang paglalagay ng abo sa noo ng mga mananampalataya na hugis Krus. Ang Krus ay tanda ng ating kaligtasan at ang dakilang pagmamahal ng Diyos sa atin. Ang mga abo ay karaniwang nakukuha sa pamamagitan ng pagsusunog ng palaspas na binasbasan noong nakaraang taon. Binasbasan ito sa araw ng Linggo ng Palaspas.

Ang paglalagay ng abo sa ating mga noo ay kadalasang sinasamahan ng mga salitang "Alalahanin mo na ikaw ay alabok, at sa alabok ka babalik". Nagpapaalala ito sa atin na tayo ay makasalanan at babalik din sa alabok balang-araw (Gen. 3:19). Maraming mga Kristiyano ang nag-aayuno at itinatakwil ang kanilang mga sarili sa panahon ng Kuwaresma. Isa itong paraan ng pagbabalik-loob at paghingi ng tawad sa Diyos.

Kapag tayo'y lumalapit upang tumanggap ng abo sa ating mga noo, sinasabi natin na tayo ay nagsisisi sa ating mga kasalanan at nais nating gamitin ang panahon ng Kuwaresma upang itama ang ating mga pagkakamali. Sinasabi rin natin na nais nating talikuran ang ating mga kasalanan at kontrolin ang ating mga pagnanasa sa mundo ngayong Kuwaresma.

Ano ang dapat gawin sa araw ng Miyerkules ng Abo?

Ang Miyerkules ng Abo ay isang araw ng obligasyon para sa pag-aayuno at pangingilin (Fasting and Abstinence). Ginagawa ang pag-aayuno ng mga mananampalatayang nasa gulang na 18-59. Ang pag-aayuno ay pagkain lamang ng isang buong pagkain (one full meal) o dalawang mas maliit na pagkain (two smaller meals). Maliban kung ikaw ay may sakit, buntis at may mabigat na trabaho subalit ang lahat ay dapat hindi kakain ng karne: baboy, baka, manok at iba pang tulad nito. Ang isda at lamang dagat ay hindi kasali sa mga bawal.

Ginagawa ang pangingilin ng mga nasa gulang 14 pataas. Ang pangingilin o abstinence ay hindi lamang patungkol sa pagkain. Maraming mga Kristiyano ang umiiwas sa mga materyal na bagay at iba pang mga nakasanayang gawin para mas magbigay ng oras sa pananalangin.

Kasama rin sa gawain sa araw na ito ang pagbabahagi natin sa mga nangangailangan (almsgiving) at ang pananalangin (prayer). Ang Miyerkules ng Abo at ang Biyernes Santo ay isang pandaigdigang araw ng pag-aayuno at pangingilin. Tuwing Biyernes naman sa loob Kuwaresma, tayo ay dapat na magsakripisyo at hindi kumain ng karne. Kung hindi natin ito magagawa ay maari tayong gumawa ng kapalit na kawang-gawa. Sa Biyernes Santo lamang hindi maaring palitan ng kahit ano ang hindi pagkain ng karne.

Tandaan, gawin natin ang lahat ng ito nang lihim at mula sa puso. Sa paggawa natin ng kabutihan, pag-ingatan nating hindi ito pakitang-tao (Mateo 6:1-7).

Sa ating pagpasok sa panahon ng Kuwaresma, tayo ay inaanyayahang magbalik-loob sa Diyos. Sa pagtutok natin sa apatnapung araw ng panalangin, pag-aayuno, at pagbibigay ng limos, inihahanda natin ang ating mga sarili sa Pasko ng Pagkabuhay. Ating sundan ang yapak ng ating Panginoon upang tayo ay maging karapat-dapat na makasama Niya sa Langit.

By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 28, 2025
Makikita ang karunungan sa ating buhay kung ginagamit natin lahat ng ating kakayahan at kaalaman para sa papuri sa Panginoon at upang tulungan ang iba na mapalapit sa Kanya.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 24, 2025
Si San Francisco ng Sales ay isang obispo at pantas ng Simbahan. Siya ay kilala bilang “the gentleman saint”.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 20, 2025
Maaaring hindi natin nararanasan ang pagdurusa na naramdaman ng santo na ating ginugunita ngayon, ngunit tayo ba ay patuloy na naninindigan sa ating pananampalataya?
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 19, 2025
Malapit sa puso ng mga Pilipino ang debosyon sa Señor Sto. Niño. Sa wikang Ingles, ang ibig sabihin nito ay “Holy Child”. Ang “Holy Child” na ito ay walang iba kundi si Hesus.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 17, 2025
Isa sa kanyang sikreto sa kabanalan ay ang pagdarasal sa Diyos sa maraming beses sa isang araw, lalo na oras ng temptasyon mula kay Satanas.
By KN Marcelo | OLA Social Communications January 15, 2025
Tuwing ika-15 ng Enero ay ginugunita ng Simbahan ang kabanalan ni San Arnold Jannsen. 
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 12, 2025
Ang pagbibinyag ni Juan Bautista kay Hesus ay hudyat ng simula ng pampublikong ministeryo ng ating Panginoon. Magsisimula na ang tatlong taon Niyang pamamalagi sa mundo upang magpagaling ng mga maysakit, magpalayas ng demonyo at mangaral ng Mabuting Balita.
By KN Marcelo | OLA Social Communications January 9, 2025
Nakikita ng mga tao ang kanilang paghihirap sa paghihirap ng Panginoon. Dahil sa Kanya, nararamdaman ng bawat deboto na mayroong Diyos na pwede nilang lapitan – Diyos na handang dumamay sa kanilang pinagdaraanan at nakaiintindi sa kanilang nararamdaman.
January 9, 2025
Nagpakita na ang Panginoon sa atin. Ipinakikila Niya ang sarili bilang Hari ng mga hari.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications December 15, 2024
Sa ebanghelyo natin ngayon, tinuturuan tayo ni San Juan Bautista na magbigay sa mga hindi natin kakilala - doon sa mga hindi tayo mabibigyan pabalik. Sila rin ay kasama sa panahon ng Kapaskuhan. Sila rin ay mahal ng Diyos, inaanyayahan din tayong mahalin at bigyan sila ngayon.
More Posts
Share by: