Si Santo Domingo ay ipinanganak sa Caleruega sa Espanya noong taong 1770. Siya ay nakilala sa pagtatag ng Orden ng Dominikano o Orden ng Mangangaral. Ang grupong ito ay binuo ni Santo Domingo upang ipagtanggol ang pananampalataya nating mga Katoliko laban sa mga maling paniniwala. Bukod pa rito, nakilala rin ang santo sa pagpapalaganap ng debosyon ng rosaryo upang maranasan ng mga tao ang pagbabagong loob para sa Diyos sa tulong ng Birheng Maria.
Tulad ni Santo Domingo, nawa’y maalala natin na may misyon tayo sa Panginoon upang maipalaganap ang Mabuting Balita sa ating salita at mga gawa. Maaari nating pagnilayan kung paano natin maipagtatanggol ang ating pananampalataya ngayon kung kailan napapadalas ang pag-atake sa mga katuruan ng ating Simbahan. Higit sa lahat, hindi sapat ang intelektwal na kakayahan lamang. Mahalaga na tayo rin ay magkaroon ng pagmamahal sa Diyos at debosyon sa ating Mahal na Ina na si Maria. Sa tulong ng ating Ina, malalagpasan natin ang lahat ng pagsubok sa buhay at makakatulong tayo sa kaligtasan ng mga tao dito sa mundo.
Santo Domingo, ipanalangin mo kami.