UNANG ARAW NG SIMBANG GABI SA OLA 2023 | “Ang Pasko ay si Kristo”
Marga de Jesus | OLA Social Communications

Si Kristo ang totoong diwa ng Pasko.

UNANG SIMBANG GABI SA OLA | “Ang Pasko ay si Kristo” 

Ika-15 ng Disyembre, 2023.


MABUTING BALITA
Juan 5, 33-36

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan


Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga Judio, “Nagpasugo kayo kay Juan, at nagpatotoo siya tungkol sa katotohanan. Hindi sa kailangan ko ang patotoo ng tao; sinasabi ko lamang ito para maligtas kayo. Si Juan ay parang maningas na ilaw na nagliliwanag noon, at kayo’y sandaling nasiyahan sa kanyang liwanag. Ngunit may patotoo tungkol sa akin na higit sa patotoo ni Juan: ang mga gawang ipinagagawa sa akin ng Ama, at siya ko namang ginaganap – iyan ang nagpapatotoo na ako’y sinugo niya.”


Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Homily Highlights ni Rev. Fr. Keith Buenaventura

“Mga kapatid, alam nating siyam na gabi ito. Kumakatawan sa siyam na buwan na pagdadala ng Mahal na Birheng Maria kay Hesus sa kanyang sinapupunan. Itong ginagawa nating sakripisyo ay hindi para sa anuman. Ito’y para samahan si Maria.”


Sinimulan ni Fr. Keith ang kanyang homiliya sa pagpapasalamat sa mga nagsisimba. Matapos ay binigyang diin ang temang “pagpapakatotoo” alinsunod sa ehemplo at ginawa ni San Juan Bautista sa ebanghelyo. 


Aniya ang pagpapatotoo ay hindi tulad ng isang “fireworks” kung saan bongga agad ang ating gusto subalit saglit lang ang itinatagal. Kailangan din nating maging kandila tulad ni San Juan Bautista na nagniningning sa dilim nang tahimik. Para sa pagpapahayag ng Mabuting Balita, si San Juan Bautista ay nagpatotoo hanggang dulo ng kanyang buhay. Ganito rin dapat tayo sa ating pananalig ngayon. Inanyayahan ni Fr. Keith ang lahat na tapusin ang Simbang Gabi bilang pakikiisa sa siyam na buwang pagdadalang-Tao ni Maria. Samahan natin ito ng mabubuting gawa at pag-iwas sa mga tsismis. 


“Ang Pasko ay si Kristo, si Kristo ang totoong diwa ng Pasko.” Ito ang mga huling sinabi ni Fr. Keith sa kanyang homiliya sa unang araw ng Simbang Gabi sa OLA. 


Walang ibang mas higit na mahalaga sa paghahanda para sa Pasko kung hindi ang pagsisimba.


#OLAmarikina #BirhenNgMarikina


By KN Marcelo | OLA Social Communications February 5, 2025
Gaya ni San Blas, huwag nawa tayong mag-alinlangang ipagtanggol ang ating pananampalataya. Huwag tayong matakot sa pangungutya o pag-uusig.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications February 5, 2025
Kapag binigay natin nang buo ang sarili at buhay sa Diyos upang ang plano Niya ang masunod, magkakaroon tayo ng kasiyahan, kapanatagan ng loob at kapayapaan na hindi natin matatagpuan makuha man natin ang lahat ng yaman sa mundo.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 28, 2025
Makikita ang karunungan sa ating buhay kung ginagamit natin lahat ng ating kakayahan at kaalaman para sa papuri sa Panginoon at upang tulungan ang iba na mapalapit sa Kanya.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 24, 2025
Si San Francisco ng Sales ay isang obispo at pantas ng Simbahan. Siya ay kilala bilang “the gentleman saint”.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 20, 2025
Maaaring hindi natin nararanasan ang pagdurusa na naramdaman ng santo na ating ginugunita ngayon, ngunit tayo ba ay patuloy na naninindigan sa ating pananampalataya?
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 19, 2025
Malapit sa puso ng mga Pilipino ang debosyon sa Señor Sto. Niño. Sa wikang Ingles, ang ibig sabihin nito ay “Holy Child”. Ang “Holy Child” na ito ay walang iba kundi si Hesus.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 17, 2025
Isa sa kanyang sikreto sa kabanalan ay ang pagdarasal sa Diyos sa maraming beses sa isang araw, lalo na oras ng temptasyon mula kay Satanas.
By KN Marcelo | OLA Social Communications January 15, 2025
Tuwing ika-15 ng Enero ay ginugunita ng Simbahan ang kabanalan ni San Arnold Jannsen. 
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 12, 2025
Ang pagbibinyag ni Juan Bautista kay Hesus ay hudyat ng simula ng pampublikong ministeryo ng ating Panginoon. Magsisimula na ang tatlong taon Niyang pamamalagi sa mundo upang magpagaling ng mga maysakit, magpalayas ng demonyo at mangaral ng Mabuting Balita.
By KN Marcelo | OLA Social Communications January 9, 2025
Nakikita ng mga tao ang kanilang paghihirap sa paghihirap ng Panginoon. Dahil sa Kanya, nararamdaman ng bawat deboto na mayroong Diyos na pwede nilang lapitan – Diyos na handang dumamay sa kanilang pinagdaraanan at nakaiintindi sa kanilang nararamdaman.
More Posts
Share by: