“TALA NI HESUS” | Dakilang Kapistahan ng Pagpapakita ng Panginoon
Marga de Jesus | OLA Social Communications

Magaganda nga ang mga dekorasyon at masasarap ang mga handa ngunit patuloy kayang pinakikinggan ang Diyos sa buhay?

Enero 6, 2023


MABUTING BALITA

Mateo 2, 1-12

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo


Si Hesus ay ipinanganak sa Betlehem ng Judea noong kapanahunan ni haring Herodes. Dumating naman sa Jerusalem ang ilang Pantas mula sa Silangan at nagtanung-tanong doon: “Nasaan ang ipinanganak na Hari ng mga Judio? Nakita namin sa Silangan ang kanyang tala at naparito kami upang sambahin siya.”

Nang mabalitaan ito ni haring Herodes, siya’y naligalig, gayun din ang buong Jerusalem. Kaya’t tinipon niya ang lahat ng punong saserdote at mga eskriba sa Israel at itinanong sa kanila kung saan ipinanganak ang Mesiyas. “Sa Betlehem po ng Judea,” tugon nila. “Ganito ang sinulat ng propeta:


‘At ikaw, Betlehem, sa lupain ng Juda,

ay hindi nga huli sa mga pangunahing bayan ng Juda.

Sapagkat sa iyo lilitaw ang isang pinuno

na mamamahala sa aking bayang Israel.’”


Nang mabatid ito, lihim na ipinatawag ni Herodes ang mga Pantas at itinanong kung kailan lumitaw ang mga tala. At pinalakad niya sila patungong Betlehem matapos pabilinan ng ganito: “Humayo kayo at inyong hanaping mabuti ang sanggol. Kapag inyong natagpuan, ibalita agad ninyo sa akin upang ako may makasamba sa kanya.” At lumakad na nga ang mga Pantas. Muli silang pinangunahan ng talang nakita nila sa silangan hanggang sa sumapit ito sa tapat ng kinaroroonan ng bata gayun na lamang ang galak ng mga Pantas nang makita ang tala! Pagpasok sa bahay, nakita nila ang bata sa piling ng kanyang inang si Maria. Lumapit sila at nagpatirapa at sinamba ang bata.


Binuksan nila ang kanilang mga sisidlan at inihandog sa kanya ang dala nilang ginto, kamanyang at mira.


Nang sila’y pabalik na, sinabi sa kanila ng Diyos sa pamamagitan ng panaginip na huwag na silang babalik kay Herodes. Kaya, nag-iba na sila ng daan pauwi.


Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Pagninilay:


Ang pagpapakita ng Panginoon ay hindi lang sa tatlong pantas kunda buong mundo. Ang tala ang nagturo sa kinaroroonan ni Hesus subalit iisa lang ang tunay na Liwanag – si Kristo mismo. Ngayong panahon ng Kapaskuhan, napakaraming mga ilaw at naggagandahang mga dekorasyon. Ang lahat ay tila ba masama ngunit mahalagang isipin, ang lahat kaya ng ito ay patungo at nagtuturo sa Mesiyas? Magaganda nga ang mga dekorasyon at masasarap ang mga handa ngunit patuloy kayang pinakikinggan ang Diyos sa buhay? Balewala ang lahat ng ito kung tayo’y namumuhay sa sariling kagustuhan – hindi sa kagustuhan ng Diyos. Malalaman nating namumuhay tayo sa kagustuhan Niya kung umaayon ang buhay sa mga katuruan ng Simbahan at sinasabi sa Bibliya. Hindi dapat tayo namumuhay sa kasalanan.


Ang Pasko at pagpapakita ng Panginoon ay tunay na madarama ng taong malinis ang konsensiya, iyong taong tunay na nagsisisi at tumatalikod sa kasalanan. Iyong ang buhay ay may regular na pagtanggap sa sakramento ng kumpisal at Banal na Misa. Doon sa mga daluyan ng grasyang iyon ay tunay nating pinatutuloy si Kristo sa ating puso. Doon sa pusong nagsisisi at mapagkumbaba tayo nakagagawa ng sabsaban sa ating mga puso para kay Hesus na ating Tagapagligtas.


Marga de Jesus | OLA Social Communications


PAALALA: Sa araw ng Linggo ay magsimba po tayo. Narito po ang oras ng mga Banal na Misa sa ating Parokya: 5:00 AM, 6:30 AM, 8:00 AM, 9:30 AM, 11:30 AM, 4:00 PM, 5:15 PM, at 6:30. Ito ay ating Banal na Obligasyon. Maraming salamat po. Pagpalain po nawa tayo ng Panginoon at patuloy na ipanalangin ng ating Mahal na Ina ng mga Walang Mag-ampon.


By KN Marcelo | OLA Social Communications February 5, 2025
Gaya ni San Blas, huwag nawa tayong mag-alinlangang ipagtanggol ang ating pananampalataya. Huwag tayong matakot sa pangungutya o pag-uusig.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications February 5, 2025
Kapag binigay natin nang buo ang sarili at buhay sa Diyos upang ang plano Niya ang masunod, magkakaroon tayo ng kasiyahan, kapanatagan ng loob at kapayapaan na hindi natin matatagpuan makuha man natin ang lahat ng yaman sa mundo.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 28, 2025
Makikita ang karunungan sa ating buhay kung ginagamit natin lahat ng ating kakayahan at kaalaman para sa papuri sa Panginoon at upang tulungan ang iba na mapalapit sa Kanya.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 24, 2025
Si San Francisco ng Sales ay isang obispo at pantas ng Simbahan. Siya ay kilala bilang “the gentleman saint”.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 20, 2025
Maaaring hindi natin nararanasan ang pagdurusa na naramdaman ng santo na ating ginugunita ngayon, ngunit tayo ba ay patuloy na naninindigan sa ating pananampalataya?
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 19, 2025
Malapit sa puso ng mga Pilipino ang debosyon sa Señor Sto. Niño. Sa wikang Ingles, ang ibig sabihin nito ay “Holy Child”. Ang “Holy Child” na ito ay walang iba kundi si Hesus.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 17, 2025
Isa sa kanyang sikreto sa kabanalan ay ang pagdarasal sa Diyos sa maraming beses sa isang araw, lalo na oras ng temptasyon mula kay Satanas.
By KN Marcelo | OLA Social Communications January 15, 2025
Tuwing ika-15 ng Enero ay ginugunita ng Simbahan ang kabanalan ni San Arnold Jannsen. 
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 12, 2025
Ang pagbibinyag ni Juan Bautista kay Hesus ay hudyat ng simula ng pampublikong ministeryo ng ating Panginoon. Magsisimula na ang tatlong taon Niyang pamamalagi sa mundo upang magpagaling ng mga maysakit, magpalayas ng demonyo at mangaral ng Mabuting Balita.
By KN Marcelo | OLA Social Communications January 9, 2025
Nakikita ng mga tao ang kanilang paghihirap sa paghihirap ng Panginoon. Dahil sa Kanya, nararamdaman ng bawat deboto na mayroong Diyos na pwede nilang lapitan – Diyos na handang dumamay sa kanilang pinagdaraanan at nakaiintindi sa kanilang nararamdaman.
More Posts
Share by: