Si San Josafat ay isinilang sa bansang Ukraine noong taong 1580. Noong ika-16 na siglo, tumaas ang bilang ng mga taong laban sa Simbahang Katolika. Sa edad na 24, pumasok siya sa isang Ortodoksiyang monasteryo dahilan sa Ortodokso ang kanyang mga magulang. Kinuha niya ang pangalang Josafat. Nang mga sumunod na taon, itinaas siya at hinirang na ibispo. Nais ni San Josafat na ang lahat ng Ortodoksong Parokya ay maging isa sa Roma. Gayunpaman, maraming mga pari at layko ang nabalisa pagsulong na ito.
Sa loob ng dalawang taon ay isinulong ito ni San Josafat dahil nais niya ang pagkakaisa. Marami ang hindi sumang-ayon sa kanya kabilang ang mga arsobispo ng Ortodokso. Sila ay nagtipon-tipon at siya’y siniraan nila. Alam ni San Josafat siyang mapahamak dahil dito. Ngunit ipinaalala niya sa mga tapat na anuman ang mangyari, siya ang kanilang pastol at iaalay niya ang kaniyang buhay sa kanila.
Taon 1623, pinangunahan ng Ortodoksong pari ang pag-aaklas sa bahay ni San Josafat. Mayroon silang dala-dalang patpat at bato. Siya ay binaril sa ulo at kinaladkad ang kanyang bangkay sa ilog.
Ang pagiging martir ni San Josafat ang naging dahilan ng pagbabago ng maraming Katoliko. Habang ang dibisyon ay nanatili, ang yumayakap sa pagkakaisa ay natagpuan ang inspirasyon kay San Josafat. Matapos ang pagkamatay niya, ang libo-libong humiwalay ay sumaping muli sa Simbahang Katoliko. Ang dugo ni San Josafat ay tulad ng isang binhi na ginamit ng Diyos upang pagyabungin at patatagin ang pagkakaisa sa Roma.
Napakaraming mga Kristiyano ang nagpapahayag ng pananampalataya ngunit ang Simbahan ay nananatiling hati.
Sa paggunita kay San Josafat, gamitin natin ang pagkakataon na humingi sa Diyos ng pagkakaisa. Humingi tayo sa Diyos sa pamamagitan ni San Josafat. Tularan natin ang kanyang buhay sakripisyo, pananalangin at paghihirap sa Diyos para sa pagkakaisa ng lahat ng mga Kristiyano.
San Josafat, ipanalangin mo kami!