“PAG-IBIG ANG KAILANGAN” | Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (B)
Marga de Jesus | OLA Social Communications

Kung mayroon tayong pag-ibig na mula sa Diyos, matututuhan nating mahalin ng tunay ang Diyos, kapwa at sarili. Ganyan dapat ang pagkakasunod-sunod subalit sa mundo ngayon, tila nabaliktad na.

Nobyembre 3, 2024

MABUTING BALITA
Marcos 12, 28b-34

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, lumapit ang isa sa mga eskriba kay Hesus at tinanong siya, “Alin pong utos ang pinakamahalaga?” Sumagot si Hesus, “Ito ang pinakamahalagang utos, ‘Pakinggan mo, Israel! Ang Panginoon na ating Diyos – siya lamang ang Panginoon. Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong pag-iisip, at nang buong lakas.’ Ito naman ang pangalawa, ‘Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.’ Wala nang ibang utos na hihigit pa sa mga ito.” “Tama po, Guro!” wika ng eskriba. “Totoo ang sinabi ninyo. Iisa ang Diyos at wala nang iba liban sa kanya. At ang umibig sa kanya nang buong puso, buong pag-iisip, at buong lakas, at ang umibig sa kapwa gaya ng kanyang sarili ay higit na mahalaga kaysa magdala ng lahat ng handog na susunugin, at iba pang mga hain.” Nakita ni Hesus na matalino ang kanyang sagot, kaya’t sinabi niya, “Malapit ka nang mapabilang sa mga pinaghaharian ng Diyos.” At wala nang nangahas magtanong kay Hesus mula noon.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Pagninilay:

“Ang Panginoon na ating Diyos – siya lamang ang Panginoon. Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong pag-iisip, at nang buong lakas.’ Ito naman ang pangalawa, ‘Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.’” Ito ang tinatawag nating “The Greatest Commandment” na mula mismo sa banal na labi ni Hesus. Ngunit mas madaling sabihin ang salitang “pag-ibig” kaysa gawin ito. Marahil ang unang una nating dapat gawin ay ipagdasal sa Diyos na bigyan tayo ng dakilang pag-ibig, isang pag-ibig na mula sa Kanya. Ito’y hindi napapagod at hindi namimili, hindi tulad ng sa tao.

Kung mayroon tayong pag-ibig na mula sa Diyos, matututuhan nating mahalin ng tunay ang Diyos, kapwa at sarili. Ganyan dapat ang pagkakasunod-sunod subalit sa mundo ngayon, tila nabaliktad na. Nauuna ang labis labis na pagmamahal sa sarili, matapos ay kapwa at nakalulungkot na para sa iba, iyong may pakinabang at nakatutuwa lang. Tapos huli na ang Diyos kapag napagod na sa maraming bagay. Maiksi lang ang buhay sa mundo at hindi man natin makita ngunit dapat tayong bumalik sa Diyos nang natupad na ang misyon kung bakit tayo nilikha. Ang misyon na ito at ang buhay natin ay para sa iba, hindi para sa sarili. Masasabi nating nakapagmamahal tayo nang buo at tunay kung kahit walang kapalit at mahirapan ay nakakapagsilbi tayo sa kapwa. Kung kaya na nating mahalin ang kapwa kabilang ang pinakamahihirap, pinakamarurumi at pinakaapi sa paligid natin na minamahal din ni Hesus at naghihintay ng tulong mula sa Diyos na matatanggap lang nila kung kikilos tayo. Saka masasabi sa atin ni Hesus na tayo’y malapit nang mapabilang sa Kaharian ng Diyos.


PAALALA: Sa araw ng Linggo ay magsimba po tayo. Ito ay ating Banal na Obligasyon. Maraming salamat po. Pagpalain po nawa tayo ng Panginoon at patuloy na ipanalangin ng ating Nuestra Señora de los Desamparados.

By KN Marcelo | OLA Social Communications February 5, 2025
Gaya ni San Blas, huwag nawa tayong mag-alinlangang ipagtanggol ang ating pananampalataya. Huwag tayong matakot sa pangungutya o pag-uusig.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications February 5, 2025
Kapag binigay natin nang buo ang sarili at buhay sa Diyos upang ang plano Niya ang masunod, magkakaroon tayo ng kasiyahan, kapanatagan ng loob at kapayapaan na hindi natin matatagpuan makuha man natin ang lahat ng yaman sa mundo.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 28, 2025
Makikita ang karunungan sa ating buhay kung ginagamit natin lahat ng ating kakayahan at kaalaman para sa papuri sa Panginoon at upang tulungan ang iba na mapalapit sa Kanya.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 24, 2025
Si San Francisco ng Sales ay isang obispo at pantas ng Simbahan. Siya ay kilala bilang “the gentleman saint”.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 20, 2025
Maaaring hindi natin nararanasan ang pagdurusa na naramdaman ng santo na ating ginugunita ngayon, ngunit tayo ba ay patuloy na naninindigan sa ating pananampalataya?
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 19, 2025
Malapit sa puso ng mga Pilipino ang debosyon sa Señor Sto. Niño. Sa wikang Ingles, ang ibig sabihin nito ay “Holy Child”. Ang “Holy Child” na ito ay walang iba kundi si Hesus.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 17, 2025
Isa sa kanyang sikreto sa kabanalan ay ang pagdarasal sa Diyos sa maraming beses sa isang araw, lalo na oras ng temptasyon mula kay Satanas.
By KN Marcelo | OLA Social Communications January 15, 2025
Tuwing ika-15 ng Enero ay ginugunita ng Simbahan ang kabanalan ni San Arnold Jannsen. 
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 12, 2025
Ang pagbibinyag ni Juan Bautista kay Hesus ay hudyat ng simula ng pampublikong ministeryo ng ating Panginoon. Magsisimula na ang tatlong taon Niyang pamamalagi sa mundo upang magpagaling ng mga maysakit, magpalayas ng demonyo at mangaral ng Mabuting Balita.
By KN Marcelo | OLA Social Communications January 9, 2025
Nakikita ng mga tao ang kanilang paghihirap sa paghihirap ng Panginoon. Dahil sa Kanya, nararamdaman ng bawat deboto na mayroong Diyos na pwede nilang lapitan – Diyos na handang dumamay sa kanilang pinagdaraanan at nakaiintindi sa kanilang nararamdaman.
More Posts