MAHAL NA BIRHENG MARIA NG BUNDOK DEL CARMEN | Mensahe ng Eskapularyo
Jasper Rome | OLA Social Communications

Hinahangad nating mabuhay si Kristo at nagsusumikap tayong ibahagi si Kristo. Ito ang mensahe ng Eskapularyong Kayumanggi.

Hulyo 16, 2024


Ang “Order of Carmelites” ay itinatag upang sundan ang kabanalan ni Elias. Wala silang tiyak na tagapagtatag, ngunit sinusundan nila ang mga ermitanyo noon sa Bundok ng Carmelo. Noong ika-13 siglo, ang kanilang populasyon ay lumiit at wala silang tagapagsuporta. Nakaranas din sila ng matinding pang-aapi at pangmamaliit. Ito ang dahilan kung bakit nawalan ng pag-asa si San Simon, ang priyor ng orden. Siya ay nakatulala sa hardin at nanalangin. Doon, nagpakita sa kanya ang Mahal na Ina sa isang aparisyon. Sinabi sa kanya: 


“Tanggapin mo, mahal kong anak, itong eskapularyo ng iyong orden. Ito ang natatanging tanda ng aking pabor. Ang sinumang mamatay na nakasuot ng ganitong abito, ay mapapangalagaan mula sa walang hanggang apoy. Ito ang sanggalang sa oras ng panganib, at isang pangako ng aking kapayapaan at proteksyon.”


Ang kapistahan ngayon ay isang paalala na ating tularan ang Mahal na Ina bilang ating modelo patungo kay Hesus. Tayo ay kanyang sasamahan hanggang sa makasama na natin ang Diyos sa walang hanggan.


Anuman ang mga salitang ginamit niya, si San Simon ay sinagot ng Mahal na Ina. Ang Orden ngayon ng mga Carmelita ay nabago sa loob ng maikling panahon. Ang mga sumasalungat sa kanila ay napatahimik. Marami na ang nagnanais na sumali sa kanilang orden. Hindi nagtagal, nagsimula silang umunlad. Simula noon, ang eskapularyong kayumanggi ay naging popular na debosyon kay Maria. Ang eskapularyo ay isang simpleng maliit na kuwintas na gawa sa dalawang hugis-parihaba na kayumangging habi. Ang dalawang habi ay konektado sa pamamagitan ng kurdon.   Ito ay isang kuwintas lamang, ngunit ang tulong ni Maria ay palaging makakamtan ng mga magsusuot nito. Kaya ang Orden ngayon ng Carmelita ay pinagpala ng Diyos.


Ang eskapularyo ay nagtuturo ng isang praktikal na pagtitiwala sa Mahal na Ina. Makukuha ng tagapagsuot ang biyaya ng pagsisikap na masunod ang kalooban ng Diyos. Makukuha din ng tagapagsuot ang isang masaya at payapang kamatayan sa tulong niya.


Ang kondisyon upang makamit natin ang benepisyo ng eskapularyo ay ang pagsisikap na mamuhay na katulad ni Hesus. Kinakailangan din na magmasid tayo sa ating kalinisang puri at patuloy na suotin ang eskapularyo hanggang kamatayan. Itinuturo din ng eskapularyo na ang tulong ni Maria ay palagi nating maasahan. Ang eskapularyo ay isang makapangyarihang sanggalang laban sa purgatoryo at sa impyerno. 



Ang pag-asang inaasahan natin mula sa mga benepisyo ng eskapularyo ay sa pamamagitan lamang ni Maria. Siya ay nangako sa atin at tayo ay patuloy niyang tutulungan kung tayo ay magiging tapat sa kanya at sa kanyang Anak.

Ang eskapularyong Kayumanggi ay hindi isang alahas. Ito ay hindi isang mahiwagang alindog. Ang eskapularyong Kayumanggi ay tanda ng ating paglalaan sa binyag ni Hesukristo. Ito ay isang iginagalang na sakramental nating mga Kristiyano. ito ay sumisimbolo sa atin pananalig at kumakatawan sa pinakadakilang adhikain ng ating buhay: tayo ay kay Kristo. Hinahangad nating mabuhay si Kristo at nagsusumikap tayong ibahagi si Kristo. Ito ang mensahe ng eskapularyong Kayumanggi.


By KN Marcelo | OLA Social Communications February 5, 2025
Gaya ni San Blas, huwag nawa tayong mag-alinlangang ipagtanggol ang ating pananampalataya. Huwag tayong matakot sa pangungutya o pag-uusig.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications February 5, 2025
Kapag binigay natin nang buo ang sarili at buhay sa Diyos upang ang plano Niya ang masunod, magkakaroon tayo ng kasiyahan, kapanatagan ng loob at kapayapaan na hindi natin matatagpuan makuha man natin ang lahat ng yaman sa mundo.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 28, 2025
Makikita ang karunungan sa ating buhay kung ginagamit natin lahat ng ating kakayahan at kaalaman para sa papuri sa Panginoon at upang tulungan ang iba na mapalapit sa Kanya.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 24, 2025
Si San Francisco ng Sales ay isang obispo at pantas ng Simbahan. Siya ay kilala bilang “the gentleman saint”.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 20, 2025
Maaaring hindi natin nararanasan ang pagdurusa na naramdaman ng santo na ating ginugunita ngayon, ngunit tayo ba ay patuloy na naninindigan sa ating pananampalataya?
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 19, 2025
Malapit sa puso ng mga Pilipino ang debosyon sa Señor Sto. Niño. Sa wikang Ingles, ang ibig sabihin nito ay “Holy Child”. Ang “Holy Child” na ito ay walang iba kundi si Hesus.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 17, 2025
Isa sa kanyang sikreto sa kabanalan ay ang pagdarasal sa Diyos sa maraming beses sa isang araw, lalo na oras ng temptasyon mula kay Satanas.
By KN Marcelo | OLA Social Communications January 15, 2025
Tuwing ika-15 ng Enero ay ginugunita ng Simbahan ang kabanalan ni San Arnold Jannsen. 
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 12, 2025
Ang pagbibinyag ni Juan Bautista kay Hesus ay hudyat ng simula ng pampublikong ministeryo ng ating Panginoon. Magsisimula na ang tatlong taon Niyang pamamalagi sa mundo upang magpagaling ng mga maysakit, magpalayas ng demonyo at mangaral ng Mabuting Balita.
By KN Marcelo | OLA Social Communications January 9, 2025
Nakikita ng mga tao ang kanilang paghihirap sa paghihirap ng Panginoon. Dahil sa Kanya, nararamdaman ng bawat deboto na mayroong Diyos na pwede nilang lapitan – Diyos na handang dumamay sa kanilang pinagdaraanan at nakaiintindi sa kanilang nararamdaman.
More Posts
Share by: