“MAGALAK KA!” | Ikatlong Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon
Marga de Jesus | OLA Social Communications

Sa ebanghelyo natin ngayon, tinuturuan tayo ni San Juan Bautista na magbigay sa mga hindi natin kakilala - doon sa mga hindi tayo mabibigyan pabalik. Sila rin ay kasama sa panahon ng Kapaskuhan. Sila rin ay mahal ng Diyos, inaanyayahan din tayong mahalin at bigyan sila ngayon.

Disyembre 15, 2024


MABUTING BALITA
Lucas 3, 10-18

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon: Tinanong si Juan Bautista ng mga tao, “Kung gayun, ano po ang dapat naming gawin?” “Kung mayroon kang dalawang baro, bigyan mo ng isa ang wala. Ganyan din ang gawin ng mga may pagkain,” tugon niya. Dumating din ang mga publikano upang pabinyag at itinanong nila sa kanya, “Guro, ano po ang dapat naming gawin?” Sumagot siya, “Huwag kayong sumingil nang higit sa dapat singilin.” Tinanong din siya ng mga kawal, “At kami, ano naman ang dapat naming gawin?” “Huwag kayong manghihingi kaninuman sa pamamagitan ng pamimilit o ng pagpaparatang ng di totoo; masiyahan kayo sa inyong sahod,” sagot niya.

Naghahari sa mga tao ang pananabik sa pagdating ng Mesiyas at ang akala ng marami’y si Juan ang kanilang hinihintay. Kaya’t sinabi ni Juan sa kanila, “Binibinyagan ko kayo sa tubig, ngunit ang darating na kasunod ko ang magbibinyag sa inyo sa Espiritu Santo at sa apoy. Siya’y makapangyarihan kaysa sa akin, at ni hindi ako karapat-dapat magkalag ng tali ng kanyang panyapak. Hawak niya ang kanyang kalaykay upang alisin ang dayami. Titipunin niya ang trigo sa kanyang kamalig, ngunit ang ipa’y susunugin sa apoy na di mamamatay kailanman.”

Marami pang bagay ang ipinangaral ni Juan sa mga tao sa kanyang paghahayag ng Mabuting Balita.


Ang Mabuting Balita ng Panginoon.



Pagninilay:

Magalak tayong lahat! Ang Linggo na ito ay tinatawag na “Gaudete Sunday” at ang kalimitang suot ng mga pari ay kulay rosas. Simbolo ito ng galak dahil nalalapit na ang pagdating ng Tagapagligtas na ipinagdiriwang sa panahon ng Kapaskuhan. Ang ibig sabihin ng Gaudete na wikang Latin ay “kagalakan”.


Ang pagdating ng pagliligtas ay may kaakibat na pagbibigayan. Nakaugalian na tuwing darating ang Pasko, nariyan na ang bigayan ng regalo, pera, at pagkain para sa mga kabi-kabilang handaan. Sa ebanghelyo natin ngayon, tinuturuan tayo ni San Juan Bautista na magbigay sa mga hindi natin kakilala - doon sa mga hindi tayo mabibigyan pabalik. Sila rin ay kasama sa panahon ng Kapaskuhan. Sila rin ay mahal ng Diyos, inaanyayahan din tayong mahalin at bigyan sila ngayon. Sana nga rin po kahit hindi Pasko ay magpatuloy ang pagbibigay mula sa kahit anong mayroon tayo. Kung mayroon tayong dalawang tinapay, ibigay natin ang isa sa walang makain. Kung mayroon tayong dalawang damit, ibigay natin ang isa sa walang maisuot. Iyan ang bilin ni San Juan. Kung ito ay iaalay ng may pag-ibig, ito’y magiging kalugud-lugod sa paningin ng Diyos. Hindi kailangang maging mayaman o maging Pasko bago tumulong. Isipin lamang natin ang mga mahihirap at walang wala at magpatulong sa Diyos na sila’y matulungan at magiging daluyan tayo ng grasya para sa kanila. Ito rin ang magiging daan natin sa Langit.


Ang pagdating sa atin ng Panginoon ay isa ring pananatili. Hindi naman talaga Siya umalis. Lagi Siyang naririto sa Banal na Sakramento. Siya ang puting tinapay na tinatanggap natin tuwing Banal na Komunyon na nagbibigay sa atin ng buhay na walang hanggan. Ang magiging boses, kamay at paa Niya para tumulong sa mahihirap at walang wala ay tayo mismo na nananalig at tumatanggap sa Kanya. Amen. +


By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications December 14, 2024
Ang purong pag-ibig ay ang pagmamahal sa Diyos, hindi dahil sa may nakukuha tayo sa Kanya, kundi dahil ito ang kalooban ng Diyos at nakalulugod sa Kanya.
By KN Marcelo | OLA Social Communications December 12, 2024
Sa pagdiriwang natin ng kapistahang ito, tularan nawa natin ang Mahal na Birhen. Siya ay sumunod sa utos ng Diyos na maging Ina ni Hesus kahit na hindi niya lubusang nauunawaan ang mangyayari.
By KN Marcelo | OLA Social Communications December 10, 2024
This is a subtitle for your new post
By Marga de Jesus | OLA Social Communications December 10, 2024
This is a subtitle for your new post
By KN Marcelo | OLA Social Communications December 10, 2024
This is a subtitle for your new post
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications December 3, 2024
“Para saan pa ang pagiging mayaman at tanyag natin kung hindi naman maliligtas ang ating kaluluwa?”
By Marga de Jesus | OLA Social Communications November 30, 2024
Huwag nating kalimutan ang may kaarawan – si Hesus. Nais Niyang maghanda tayo sa paggunita sa Kanyang pagdating sa pamamagitan ng mas maraming oras sa Kanya para pasalamatan Siya sa ating buhay; magsuri ng sarili at mga pagkululang sa Kanya.
By Jasper Rome | OLA Social Communications November 30, 2024
Marapat lang na ipinagdiwang natin ang pagkamartir ni San Andres. Ang kanyang mga huling sandali sa mundo ay buod ng katapatan niya sa ating Panginoong Hesukristo.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications November 24, 2024
Naroroon ang Kaharian ng Diyos kung saan naghahari ang Kanyang pag-ibig, hustisiya at kapayapaan.
By Jasper Rome | OLA Social Communications November 22, 2024
Siya ay umawit ng awitin na para sa Diyos habang siya ay pinahihirapan hanggang mamatay.
More Posts
Share by: