Makasaysayang araw ang ika-26 ng Enero, 2024 para sa mga Pilipino sapagkat ito ang araw kung saan pormal na idineklara ang Katedral ng Antipolo bilang isang Pandaigdigang Dambana. Ito ang tahanan ng mapaghimalang imahen ng Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje, o mas kilala bilang Birhen ng Antipolo.
Enero 28, 2024.
Makasaysayang araw ang ika-26 ng Enero, 2024 para sa mga Pilipino sapagkat ito ang araw kung saan pormal na idineklara ang Katedral ng Antipolo bilang isang Pandaigdigang Dambana. Ito ang tahanan ng mapaghimalang imahen ng Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje, o mas kilala bilang Birhen ng Antipolo. Ang imaheng ito ay nagmula pa sa Acapulco, Mexico at dinala sa bansa noong 1626. Sa loob ng halos 400-taon ay patuloy na pinupukaw ng Birhen ng Antipolo ang puso ng milyon milyong Pilipino. Kaya naman siya rin ay tinaguriang "Reyna ng Lahing Kayumanggi."
Bahagi
ng
paghahanda sa deklarasyon ng Katedral ng Antipolo bilang isang Pandaigdigang Dambana ang pagkakaroon ng nobena mula Enero 17 hanggang Enero 25 na pinamumunuan ng iba't ibang bikaryato ng Diyosesis ng Antipolo. Para sa ikawalong gabi ng nobena noong ika-24 ng Enero, ang namuno ay ang Bikaryato ng OLA. Nagsimula ito sa pagrorosaryo at pagdarasal ng nobena. Pagkatapos ay sinundan ng pagdiriwang ang Banal na Misa sa karangalan ng Birhen ng Antipolo. Ang misa ay pinamunuan ni Reb. Padre Vicentico Flores, ang kura paroko ng Diocesan Shrine and Parish of St. Paul of the Cross at
Vicar Forane
ng Bikaryato ng OLA. Naroon din ang mga mananampalataya mula sa iba't ibang parokya ng bikaryato kasama ang kani-kanilang kura paroko. Ang delegasyon mula sa OLA Marikina ay pinamunuan ni Reb. Padre Lamberto Ramos,
Rektor
ng dambana at ni Kuya Gimar Lopez, PPC President. Naroon din sa Banal na Misa ang punong lungsod ng Marikina, Mayor Marcy Teodoro at ang Lubhang Kagalang-galang Ruperto C. Santos, D.D., Obispo ng Antipolo.
Pagkatapos ng
Misa
ay isinagawa ang maringal na prusisyon. Tampok dito ang imahen ng Birhen ng Marikina, ang Nuestra Señora de los Desamparados, pati na ang imahen ng patron ng bawat parokya sa Bikaryato ng OLA. Sa dulo ng prusisyon ay naroon ang pinipintakasing imahen ng Birhen ng Antipolo, na sinusundan ng mga debotong nagdarasal ng santo rosaryo at sumasambit ng panalangin ng pasasalamat at paghiling.
Sa kanyang homiliya, sinabi ni Reb. Padre Cristopher Gonzales,
Kura Paroko ng Nativity of Our Lady Parish, na ang pagiging dambana ay may kaakibat na malaking responsibilidad. Sa mga dambanang ito, ang mga tayo ay naghahangad na makatagpo ang Diyos. Nais nila ang paglago ng kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng panalangin at pagdalo sa Banal na Misa.