“KAHALAGAHAN NG PAGBIBIGAY” | Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon
Marga de Jesus | OLA Social Communications

Hindi nais ng Diyos na magbigay tayo ng higit pa sa ating kakayanan. Ang Kaniyang ibig ay makita na ang puso natin ay nagbubukas para sa iba.

MABUTING BALITA
Juan 6, 1-15

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan


Noong panahong iyon, tumawid si Hesus sa ibayo ng Lawa ng Galilea, na tinatawag ding Lawa ng Tiberias. Sinundan siya ng napakaraming tao sapagkat nakita nila ang mga kababalaghang ginawa niya sa pagpapagaling sa mga maysakit. Umahon si Hesus sa burol kasama ang kanyang mga alagad at naupo roon. Malapit na noon ang Pista ng Paskuwa ng mga Judio. Tumanaw si Hesus, at nakita niyang dumarating ang napakaraming tao. Tinanong niya si Felipe, “Saan tayo bibili ng tinapay upang makakain ang mga taong ito?” Sinabi niya ito para subukin si Felipe, sapagkat alam ni Hesus ang kanyang gagawin.


Sumagot si Felipe, “Kahit na po halagang dalawandaang denaryong tinapay ang bilhin ay di sasapat para makakain nang tigkakaunti ang mga tao.” Sinabi ng isa sa kanyang mga alagad, si Andres na kapatid ni Simon Pedro, “Mayroon po ritong isang batang lalaki na may dalang limang tinapay na sebada at dalawang isda. Ngunit gaano na ito sa ganyang karaming tao?”


“Paupuin ninyo sila,” wika ni Hesus. Madamo sa lugar na yaon. Umupo ang lahat humigit kumulang sa limanlibo ang mga lalaki. Kinuha ni Hesus ang tinapay at matapos magpasalamat sa Diyos ay ipinamahagi sa mga tao; gayun din ang ginawa niya sa isda. Binigyan ang lahat hangga’t gusto nila. At nang makakain na sila, sinabi niya sa mga alagad, “Tipunin ninyo ang lumabis para hindi masayang.” Gayun nga ang ginawa nila, at nakapuno sila ng labindalawang bakol.


Nang makita ng mga tao ang kababalaghang ginawa ni Hesus, sinabi nila, “Tunay na ito ang Propetang paririto sa sanlibutan!” Nahalata ni Hesus na lalapit ang mga tao at pilit siyang kukunin upang gawing hari, kaya muli siyang umalis na mag-isa patungo sa kaburolan.


Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Pagninilay:


Ang isang batang lalake ay ang nag-alay ng kaniyang kaya sa Diyos - limang tinapay at dalawang isda. Kung tutuusin, hindi talaga ito posibleng kumasya sa napakaraming taong sumunod kay Hesus na libu-libo ang bilang. Subalit nagkasya ito at may sobra pa. Bakit? Dahil tinanggap ng Diyos ang munting alay at binasbasan Niya kaya ito’y dumami at naging sobra pa. Ganoon din sa pag-aalay natin sa Diyos ng anumang ating kaya. Hindi dapat tayo nahihiyang magbigay dahil minamaliit natin ang sarili natin at kung ano ang mayroon tayo.


Hindi nais ng Diyos na magbigay tayo ng higit pa sa ating kakayanan. Ang Kaniyang ibig ay makita na ang puso natin ay nagbubukas para sa iba. Dahil sa pagmamahal na may kasamang awa, nagbubunga ito ng buhay sa ibang tao. Nabubuhayan sila ng loob at nabubuhay din ang kanilang pisikal na katawan dahil sa pagbibigay ng pagkain, damit at kung ano pang kanilang kailangan.


Sa panahon ngayon, maraming nangangailangan ng tulong. Kung ano lang ang ating kaya, nawa ay ibigay natin ito nang taos-puso sa Diyos sa pamamagitan ng pagbabahagi sa iba. Siya na ang bahala sa ating sariling pangangailangan kahit mabawasan pa ang atin dahil sa pagbibigay. Siya ang magbabasbas ng ating alay upang maging sapat ito para sa karamihan. Ang mahalaga, tayo ay nagmahal at nagbigay gaya ng Diyos na ating Ama sa Langit na hindi nagsasawang tayo ay pagkalooban ng mga biyaya. Amen. +

By KN Marcelo | OLA Social Communications February 5, 2025
Gaya ni San Blas, huwag nawa tayong mag-alinlangang ipagtanggol ang ating pananampalataya. Huwag tayong matakot sa pangungutya o pag-uusig.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications February 5, 2025
Kapag binigay natin nang buo ang sarili at buhay sa Diyos upang ang plano Niya ang masunod, magkakaroon tayo ng kasiyahan, kapanatagan ng loob at kapayapaan na hindi natin matatagpuan makuha man natin ang lahat ng yaman sa mundo.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 28, 2025
Makikita ang karunungan sa ating buhay kung ginagamit natin lahat ng ating kakayahan at kaalaman para sa papuri sa Panginoon at upang tulungan ang iba na mapalapit sa Kanya.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 24, 2025
Si San Francisco ng Sales ay isang obispo at pantas ng Simbahan. Siya ay kilala bilang “the gentleman saint”.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 20, 2025
Maaaring hindi natin nararanasan ang pagdurusa na naramdaman ng santo na ating ginugunita ngayon, ngunit tayo ba ay patuloy na naninindigan sa ating pananampalataya?
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 19, 2025
Malapit sa puso ng mga Pilipino ang debosyon sa Señor Sto. Niño. Sa wikang Ingles, ang ibig sabihin nito ay “Holy Child”. Ang “Holy Child” na ito ay walang iba kundi si Hesus.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 17, 2025
Isa sa kanyang sikreto sa kabanalan ay ang pagdarasal sa Diyos sa maraming beses sa isang araw, lalo na oras ng temptasyon mula kay Satanas.
By KN Marcelo | OLA Social Communications January 15, 2025
Tuwing ika-15 ng Enero ay ginugunita ng Simbahan ang kabanalan ni San Arnold Jannsen. 
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 12, 2025
Ang pagbibinyag ni Juan Bautista kay Hesus ay hudyat ng simula ng pampublikong ministeryo ng ating Panginoon. Magsisimula na ang tatlong taon Niyang pamamalagi sa mundo upang magpagaling ng mga maysakit, magpalayas ng demonyo at mangaral ng Mabuting Balita.
By KN Marcelo | OLA Social Communications January 9, 2025
Nakikita ng mga tao ang kanilang paghihirap sa paghihirap ng Panginoon. Dahil sa Kanya, nararamdaman ng bawat deboto na mayroong Diyos na pwede nilang lapitan – Diyos na handang dumamay sa kanilang pinagdaraanan at nakaiintindi sa kanilang nararamdaman.
More Posts
Share by: