KAGANAPAN SA PAROKYA | Makabuluhang Tungkulin ng Simbahan sa Nagdaaang Eleksyon
Gabriel Hans V. Ordoñez | OLA Social Communications

Bilang isang Pilipino, bahagi ng ating pagkakakilanlan ang pagiging responsable pagdating sa mga tungkuling nakaatas sa atin. Mahalaga ang eleksyon hindi lamang dahil ito ay isang obligasyon bagkus, dahil ito rin ay mayroong kinalaman sa buhay ng bawat isa.


Nito lamang ika-30 ng Oktubre, naganap ang Eleksyon ng Barangay at Sangguniang Kabataan na kinalahukan ng maraming botante sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Bahagi ito ng ating karapatan. Isa ring maituturing na responsibilidad ang makapili at maghalal ng pinuno na makatutulong sa atin upang tayo ay pamunuan tungo sa kaunlaran. Kahit na ito ay isang lokal na halalan lamang, mahalaga ang tungkuling ginampanan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).


Ang ating parokya ay mayroong tatlong barangay na nasasakupan; ang Sta. Elena (Poblacion), San Roque, at Sto. Niño. May malaking naiambag ang bawat boluntaryong kasapi ng PPCRV tulad ng pagtulong sa bawat botante sa paghahanap ng kanilang presinto, pag-aasikaso sa mga senior citizen at persons with disabilities, pagiging saksi sa mga inilabas na “election returns”, at iba pang gampanin na may kaugnayan sa nakaraang eleksyon.


Nagsimula ang halalan sa ika-7 ng umaga at walang humpay sa pag-aasikaso ang mga kabahagi ng PPCRV hanggang sa mailabas ang resulta ng botohan. Mula rito, makikita natin ang kanilang sinumpaan tungo sa maayos at malinis na halalan. Isa sa pinakatanyag nilang motto ang C.H.A.M.P o ang Clean, Honest, Accurate, Meaningful, and Peaceful elections na kanilang pinanghahawakan. Ito ang susi para makamit ng bawat isa ang kabutihan ng lahat na hinahangad ng kahit sinong kabahagi ng lipunang Pilipino. Kaisa naman sa layuning ito ang Simbahan.


Isa lamang ang boluntaryong gawain na ito sa mga tanda ng kapansin-pansing malawak na ambag ng Simbahan sa lipunan. Hindi lamang ito kaagapay sa espirituwal na pangangailangan at pag-unlad ng mga tao ngunit katuwang din ito upang mapanatili ang katiwasayan at kaayusan sa pamamahalang pambayan o pambansa. Ang Simbahan ang katuwang ng masa sa ganitong kaganapan.


Sa 2025 uli ang nalalapit na halalan. Malayo pa man, handa ang PPCRV upang maglingkod para sa isang maayos at malinis na halalan. Sinasalamin ito ng responsableng gampanin at tungkulin na nagsusulong ng halalang MAKA-PILIPINAS.

By KN Marcelo | OLA Social Communications February 5, 2025
Gaya ni San Blas, huwag nawa tayong mag-alinlangang ipagtanggol ang ating pananampalataya. Huwag tayong matakot sa pangungutya o pag-uusig.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications February 5, 2025
Kapag binigay natin nang buo ang sarili at buhay sa Diyos upang ang plano Niya ang masunod, magkakaroon tayo ng kasiyahan, kapanatagan ng loob at kapayapaan na hindi natin matatagpuan makuha man natin ang lahat ng yaman sa mundo.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 28, 2025
Makikita ang karunungan sa ating buhay kung ginagamit natin lahat ng ating kakayahan at kaalaman para sa papuri sa Panginoon at upang tulungan ang iba na mapalapit sa Kanya.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 24, 2025
Si San Francisco ng Sales ay isang obispo at pantas ng Simbahan. Siya ay kilala bilang “the gentleman saint”.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 20, 2025
Maaaring hindi natin nararanasan ang pagdurusa na naramdaman ng santo na ating ginugunita ngayon, ngunit tayo ba ay patuloy na naninindigan sa ating pananampalataya?
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 19, 2025
Malapit sa puso ng mga Pilipino ang debosyon sa Señor Sto. Niño. Sa wikang Ingles, ang ibig sabihin nito ay “Holy Child”. Ang “Holy Child” na ito ay walang iba kundi si Hesus.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 17, 2025
Isa sa kanyang sikreto sa kabanalan ay ang pagdarasal sa Diyos sa maraming beses sa isang araw, lalo na oras ng temptasyon mula kay Satanas.
By KN Marcelo | OLA Social Communications January 15, 2025
Tuwing ika-15 ng Enero ay ginugunita ng Simbahan ang kabanalan ni San Arnold Jannsen. 
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 12, 2025
Ang pagbibinyag ni Juan Bautista kay Hesus ay hudyat ng simula ng pampublikong ministeryo ng ating Panginoon. Magsisimula na ang tatlong taon Niyang pamamalagi sa mundo upang magpagaling ng mga maysakit, magpalayas ng demonyo at mangaral ng Mabuting Balita.
By KN Marcelo | OLA Social Communications January 9, 2025
Nakikita ng mga tao ang kanilang paghihirap sa paghihirap ng Panginoon. Dahil sa Kanya, nararamdaman ng bawat deboto na mayroong Diyos na pwede nilang lapitan – Diyos na handang dumamay sa kanilang pinagdaraanan at nakaiintindi sa kanilang nararamdaman.
More Posts
Share by: