ANG HALAGA NG PAGTATALAGA SA PALASYONG SIMBAHAN NG LATERANO, ROMA | Kapistahan
Therese Karla Labor | OLA Social Communications

Nananahan ang Diyos sa Kanyang mga Templo. Mga gusali tayo ng Diyos. Nilikha tayong may katawan at kaluluwa kumpara sa ibang bagay na lalang sa mundo. Ang ating katawan ay templo ng Diyos na itinalaga upang pag-ingatan. Ang pag-iingat natin sa ating katawan at kaluluwa mula sa pagkakasala ay nararapat lamang. Ito ang tanging paraan upang maipakita natin sa Diyos ang pagpapahalaga sa mga biyayang natanggap natin at sa pagmamahal natin sa Kanya.
Ipinagdiriwang natin sa araw na ito ang Kapistahan ng Pagtatalaga sa Palasyong Simbahan ng Laterano, Roma.

Maaaring marami ang hindi pamilyar sa kasaysayan ng simbahan na ito. Maaaring unang beses lamang itong narinig ng marami sa atin. Ito na ang pagkakataon upang malaman natin na hindi ordinaryong simbahan ang ating ipinagdiriwang sa araw na ito. Bagkus, ang Palasyong Simbahan ng Laterano sa Roma ay ang punong simbahan ng mga mananampalatayang Katoliko. Ibig sabihin, ito ang ulo ng lahat ng simbahan sa buong mundo.

Makulay at mahaba ang kasaysayan ng Palasyong Simbahan ng Laterano. Ito'y minsang mansyon at tahanan lamang hanggang sa panahon ni Nero. Kasama ang may-ari ng mansyon sa pinatay dahil sa pananampalataya nito kay Kristo. Napasakamay ng mga Romano ang lugar na ito at hindi nagamit nang matagal na panahon bilang simbahan. Hanggang sa mamuno si Constantino sa Roma at maipatupad nito ang kalayaan na magpahayag ng pananampalataya kay Kristo. Dito na umusbong ang mga simbahan nating mga Katoliko.

Matapos ang ilang dekada ng pagdanak ng dugo ng mga Banal na Kristiyano ay nagbunga ito sa wakas ng biyaya ng Diyos. Itinayo ang Palasyong Simbahan ng Laterano at itinalaga itong unang simbahan at punong simbahan ng mga Kristiyano sa mundo. Dito rin nanirahan ang mga naunang Santo Papa at nalipat lamang nang makaranas ito ng ilang pagkakataon ng sunog. Ito ang pinakaunang Palasyong Simbahan (Basilica) ng Diyos sa Roma.

Tandaan natin na sagrado ang lahat ng nilikha ng ating Panginoon. Kasama na rito ang mga basilika, katedral, dambana at mga kapilya. Ang lahat ng nahahawakan at hindi nahahawakan sa mundong ito ay nagmula rin sa Dakilang Maykapal. Nilikha ang ating mga katawan at ipinagkaloob sa atin ang kaluluwang mayroon tayo ngayon upang mapanatili itong sagrado bilang pagpapakita ng pagmamahal sa Diyos.
Ganito rin ang ating gampanin para sa mga lugar na dapat manatiling sagrado sa bawat sulok ng mundo.

Manalangin tayo. Panginoon, ipinagkaloob mo sa amin ang mga biyayang nagpapatibay sa aming pananampalataya. Huwag mo nawang hayaan na mawalay kami sa mga itinatag na tahanan Mo sa mundo. Manatili nawa ang apoy sa aming puso at kagustuhan na protektahan ang mga bagay na Iyong nilikha at nakatakdang manatiling sagrado. Ilayo mo kami sa okasyon ng kasalanan lalong-lalo kung kami ay nasasadlak sa kahinaan. Sa Ngalan ng Diyos Ama, Anak at Espiritu Santo.



Amen. +

#OLAmarikina #BirhenNgMarikina 

By KN Marcelo | OLA Social Communications February 5, 2025
Gaya ni San Blas, huwag nawa tayong mag-alinlangang ipagtanggol ang ating pananampalataya. Huwag tayong matakot sa pangungutya o pag-uusig.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications February 5, 2025
Kapag binigay natin nang buo ang sarili at buhay sa Diyos upang ang plano Niya ang masunod, magkakaroon tayo ng kasiyahan, kapanatagan ng loob at kapayapaan na hindi natin matatagpuan makuha man natin ang lahat ng yaman sa mundo.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 28, 2025
Makikita ang karunungan sa ating buhay kung ginagamit natin lahat ng ating kakayahan at kaalaman para sa papuri sa Panginoon at upang tulungan ang iba na mapalapit sa Kanya.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 24, 2025
Si San Francisco ng Sales ay isang obispo at pantas ng Simbahan. Siya ay kilala bilang “the gentleman saint”.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 20, 2025
Maaaring hindi natin nararanasan ang pagdurusa na naramdaman ng santo na ating ginugunita ngayon, ngunit tayo ba ay patuloy na naninindigan sa ating pananampalataya?
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 19, 2025
Malapit sa puso ng mga Pilipino ang debosyon sa Señor Sto. Niño. Sa wikang Ingles, ang ibig sabihin nito ay “Holy Child”. Ang “Holy Child” na ito ay walang iba kundi si Hesus.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 17, 2025
Isa sa kanyang sikreto sa kabanalan ay ang pagdarasal sa Diyos sa maraming beses sa isang araw, lalo na oras ng temptasyon mula kay Satanas.
By KN Marcelo | OLA Social Communications January 15, 2025
Tuwing ika-15 ng Enero ay ginugunita ng Simbahan ang kabanalan ni San Arnold Jannsen. 
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 12, 2025
Ang pagbibinyag ni Juan Bautista kay Hesus ay hudyat ng simula ng pampublikong ministeryo ng ating Panginoon. Magsisimula na ang tatlong taon Niyang pamamalagi sa mundo upang magpagaling ng mga maysakit, magpalayas ng demonyo at mangaral ng Mabuting Balita.
By KN Marcelo | OLA Social Communications January 9, 2025
Nakikita ng mga tao ang kanilang paghihirap sa paghihirap ng Panginoon. Dahil sa Kanya, nararamdaman ng bawat deboto na mayroong Diyos na pwede nilang lapitan – Diyos na handang dumamay sa kanilang pinagdaraanan at nakaiintindi sa kanilang nararamdaman.
More Posts
Share by: