IKAAPAT NA ARAW NG SIMBANG GABI SA OLA 2023 | “Paghahanda sa Pagdating ng Panginoon”
Jasper Rome | OLA Social Communications

Zacarias, Elizabeth and John. They were there preparatory for the Incarnation of our Lord. The challenge for you and me is to do the same. Are we ready to prepare for the coming of the Lord on Christmas day? 

Ika-18 ng Disyembre, 2023.


MABUTING BALITA
Lucas 1, 5-25

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas


Noong si Herodes ang hari ng Judea, may isang saserdote na ang ngala’y Zacarias, sa pangkat ni Abias. At mula rin sa lipi ni Aaron ang kanyang asawang si Elisabet. Kapwa sila kalugud-lugod sa paningin ng Diyos, namumuhay nang ayon sa mga utos at tuntuning mula sa Panginoon. Wala silang anak sapagkat baog si Elisabet, at sila’y matanda na.


Ang pangkat ni Zacarias ang nanunungkulan noon, at siya’y naglilingkod sa harapan ng Diyos bilang saserdote. Nang sila’y magsapalaran, ayon sa kaugalian ng mga saserdote, siya ang nahirang na maghandog ng kamanyang. Kaya’t pumasok siya sa templo ng Panginoon sa oras ng pagsusunog ng kamanyang, samantalang nagkakatipon sa labas ang mga tao at nananalangin. Walang anu-ano’y napakita sa kanya ang isang anghel ng Panginoon, nakatayo sa gawing kanan ng dambanang sunugan ng kamanyang. Nagulat si Zacarias at sinidlan ng matinding takot nang makita ang anghel. Ngunit sinabi nito sa kanya, “Huwag kang matakot, Zacarias! Dininig ng Diyos ang panalangin mo.


Kayo ni Elisabet ay magkakaanak ng isang lalaki, at Juan ang ipangangalan mo sa kanya. Ikaw ay matutuwa at magiging maligaya, at marami ang magagalak sa kanyang pagsilang sapagkat siya’y magiging dakila sa paningin ng Panginoon. Hindi siya iinom ng alak o anumang inuming nakalalasing. Sa sinapupunan pa lamang ng kanyang ina, mapupuspos na siya ng Espiritu Santo. Marami sa mga anak ng Israel ang panunumbalikin niya sa kanilang Panginoong Diyos. Mauuna siya sa Panginoon, taglay ang espiritu at kapangyarihan ni Elias, upang pagkasunduin ang mga ama at ang mga anak, at panumbalikin sa daan ng matuwid ang mga suwail. Sa gayon, ipaghahanda niya ng isang bayan ang Panginoon.”


Sinabi ni Zacarias sa anghel, “Paano ko po matitiyak na mangyayari ito? Sapagkat ako’y napakatanda na at gayon din ang aking asawa.” Sumagot ang anghel, “Ako si Gabriel na naglilingkod sa harapan ng Diyos. Sinugo ako upang ihatid sa iyo ang mabuting balitang sinabi ko na sa iyo. At ngayon, mabibingi ka’t hindi makapagsasalita hanggang sa araw na maganap ang mga bagay na ito, sapagkat hindi ka naniwala sa mga sinabi ko na matutupad pagdating ng takdang panahon.”


Samantala, naghihintay naman kay Zacarias ang mga tao. Nagtaka sila kung bakit nagtagal siya nang gayon sa loob ng templo. Paglabas niya ay hindi na siya makapagsalita, mga senyas na lamang ang ginagamit niya; kaya natanto nila na nakakita siya ng pangitain. At siya’y nanatiling pipi.


Nang matapos ang panahon ng kanyang paglilingkod ay umuwi na siya. Hindi nga nagtagal at naglihi si Elisabet, at hindi ito umalis ng bahay sa loob ng limang buwan. “Ngayo’y nilingap ako ng Panginoon,” wika ni Elisabet. “Ginawa niya ito upang alisin ang aking kadustaan sa harapan ng mga tao!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.



Homily Highlights ni Rev. Fr. Lamberto Ramos


Sinimulan ni Fr. Lambert ang kanyang homilya sa pamamagitan ng pagsasalaysay ng ebanghelyo ngayong araw.


“ Mga kapatid, itong si Zacarias ang bida sa ating ebanghelyo ngayon. Ngunit mayroon silang trahedya ni Elisabet, hindi sila magkaanak. Sa kanilang sitwasyon sa panahong iyon, sila'y dinudusta ng mga tao dahil ang mga mag-asawang hindi magkaanak ay itinuturing na excommunicated o itinitiwalag."


Sunod na sinabi ni Fr. Lambert. " Si Zacarias ay dasal nang dasal at natiyempuhang siya ang mag-iinsenso sa templo. There was gladness in the message of Angel Gabriel… and people are wondering “Bakit ang tagal lumabas ni Zacarias?” at lumabas siyang pipi. Napagtanto ng mga tao ang nangyari kay Zacarias na siya'y nakatanggap ng isang pangitain. Ang mga tao nama'y nagtatanong kung anong klaseng bata ang dinadala ni Elizabeth kahit na siya ay baog at ubod na ng tanda."


Sumunod naman ay ipinakilala ni Fr. Lambert si Juan Bautista. " God's voice comes to those who listen to Him as Zacarias did in God's house. Over the past few days, we knew who John is. His name is John and the meaning of John is “God is gracious” or “God's gracious gift”. John was the courier of the King of kings. He was there to prepare the road. The road for repentance, the road for change of heart, change of mind. This change of mind must translate into change of action."

"John himself came six months ahead of his cousin, Jesus, was to be humbled enough to be admitted that he wasn't fit to untie the sandals of the Lord. He was there to be the pointer of Jesus, and not the pointer of himself. In short, John has to decrease, for Jesus to increase. John made himself irrelevant in order to strengthen the relevance of Jesus Christ."


Tinapos ni Fr. Lambert ang kanyang homilya sa pagsasabing "Zacarias, Elizabeth and John. They were there preparatory for the Incarnation of our Lord. The challenge for you and me is to do the same. Are we ready to prepare for the coming of the Lord on Christmas day? Amen."


#OLAMarikina #BirhenNgMarikina


By KN Marcelo | OLA Social Communications February 5, 2025
Gaya ni San Blas, huwag nawa tayong mag-alinlangang ipagtanggol ang ating pananampalataya. Huwag tayong matakot sa pangungutya o pag-uusig.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications February 5, 2025
Kapag binigay natin nang buo ang sarili at buhay sa Diyos upang ang plano Niya ang masunod, magkakaroon tayo ng kasiyahan, kapanatagan ng loob at kapayapaan na hindi natin matatagpuan makuha man natin ang lahat ng yaman sa mundo.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 28, 2025
Makikita ang karunungan sa ating buhay kung ginagamit natin lahat ng ating kakayahan at kaalaman para sa papuri sa Panginoon at upang tulungan ang iba na mapalapit sa Kanya.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 24, 2025
Si San Francisco ng Sales ay isang obispo at pantas ng Simbahan. Siya ay kilala bilang “the gentleman saint”.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 20, 2025
Maaaring hindi natin nararanasan ang pagdurusa na naramdaman ng santo na ating ginugunita ngayon, ngunit tayo ba ay patuloy na naninindigan sa ating pananampalataya?
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 19, 2025
Malapit sa puso ng mga Pilipino ang debosyon sa Señor Sto. Niño. Sa wikang Ingles, ang ibig sabihin nito ay “Holy Child”. Ang “Holy Child” na ito ay walang iba kundi si Hesus.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 17, 2025
Isa sa kanyang sikreto sa kabanalan ay ang pagdarasal sa Diyos sa maraming beses sa isang araw, lalo na oras ng temptasyon mula kay Satanas.
By KN Marcelo | OLA Social Communications January 15, 2025
Tuwing ika-15 ng Enero ay ginugunita ng Simbahan ang kabanalan ni San Arnold Jannsen. 
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 12, 2025
Ang pagbibinyag ni Juan Bautista kay Hesus ay hudyat ng simula ng pampublikong ministeryo ng ating Panginoon. Magsisimula na ang tatlong taon Niyang pamamalagi sa mundo upang magpagaling ng mga maysakit, magpalayas ng demonyo at mangaral ng Mabuting Balita.
By KN Marcelo | OLA Social Communications January 9, 2025
Nakikita ng mga tao ang kanilang paghihirap sa paghihirap ng Panginoon. Dahil sa Kanya, nararamdaman ng bawat deboto na mayroong Diyos na pwede nilang lapitan – Diyos na handang dumamay sa kanilang pinagdaraanan at nakaiintindi sa kanilang nararamdaman.
More Posts