GAWING KAPAKIPAKINABANG ANG PAGDALO SA BANAL NA MISA (Siyam na Paraan)
Jasper Rome | OLA Social Communications

Ang Banal na Misa ang pinakamataas na uri ng pagdarasal. Dito ay sinasamba natin si Hesus. Ginugunita sa Misa ang pinakadakilang himala kung saan ang alak at tinapay ay nagiging tunay na Katawan at Dugo ni Hesus. Kaya naman mahalaga na ihanda natin ang ating mga sarili at buong pagkatao sa pagdalo sa Banal na Misa.

Marso 28, 2024.


Kaya naman mahalaga na ihanda natin ang ating mga sarili at buong pagkatao sa pagdalo sa Banal na Misa. Lalo ngayong mga mahal na araw at papasok na tayo sa Banal na Triduo mula ngayong Huwebes hanggang sa Sabado sa Easter Vigil o ang Magdamagang Pagdiriwang sa Pasko ng Muling Pagkabuhay. Ito ang pinakabanal at pinakamahahalagang tatlong araw ng ating pananampalataya dahil sa ating espesyal na paggunita sa pagpapakasakit, pagkamatay at Muling Pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo sa mga natatanging liturhiya na ngayon lang gaganapin sa buong taon. 


Narito ang mga ilang bagay na dapat nating gawin upang mas maging kapakipakinabang ang ating pagdalo sa Banal na Misa.


1. DUMATING NANG MAAGA


Dapat nasa simbahan na tayo bago magsimula ang Banal na Misa. Ihanda natin ang ating sarili sa pagdarasal. Sa pamamagitan nito, mas magiging bukas ang ating puso sa grasya ng Diyos na Kanyang ibibigay sa ating pagdalo sa selebrasyon.


2. MAGDAMIT NG WASTONG KASUOTAN


Ang Misa ang pinakamataas na uri ng pagsamba sa Diyos, at ang simbahan ang banal na tahanan ng Diyos. Sa pamamagitan ng pagsusuot ng tamang kasuotan at pagpapanatili nito, tayo'y nagbibigay ng paggalang kay Kristo na may-ari ng tahanan. 


3. HUWAG MAKIPAG-USAP SA KATABI


Ang pagpapanatili ng katahimikan sa loob ng simbahan ay pagpapakita ng paggalang at paglalagay ng ating sarili para kay Kristo lamang. Habang nasa Banal na Misa o nasa loob ng simbahan, iwasang makipag-usap kung ito ay hindi naman sobrang kailangan dahil maaari rin tayong maka-istorbo ng ating katabi.

 

4. MAG-GENUFLECT TUWING DADAAN SA HARAPAN NG TABERNAKULO


Sa Tabernakulo nananahan si Kristo dahil naririto ang Kanyang Banal na Katawan at Dugo sa anyong tinapay. Sa pamamagitan ng pag-genuflect o pagluhod gamit man lamang ang isang tuhod, tayo'y nagbibigay ng paggalang sa Diyos at naniniwalang tunay Siyang nananahan sa tabernakulo. Ang pag-genuflect ay ang pagluhod ng kanang tuhod na sayad sa lupa. Kapag tayo'y haharap sa Banal na Sakramento at nakikita ang puting ostiya na si Hesus mismo, ay dalawang tuhod ang dapat nakasayad sa lupa bilang paggalang sa ating Diyos at Hari. Sa tuwing tayo'y nag-genuflect, nagpapakita ito na kilala natin kung sino ang ating nasa harapan, at iyon ay si Kristo.


Sanggunian: When to bow, when to genuflect - St. Benedict the African (There’s a Sweet Sweet Spirit in this Place). (n.d.). https://benedicttheafrican.org/.../when-to-bow-genuflect....


5. IWASAN ANG PAG-TETEXT O PAGGAMIT NG SELPON SA LOOB NG SIMBAHAN


Ang paggamit ng selpon habang nagdiriwang ng Banal na Misa ay dapat iwasan. Bukod sa nakaka-distract ito sa ating mga katabi, inilalayo natin ang ating sarili sa presensiya ni Kristo sa Misa at binibigyang tuon ang ibang bagay. Kapag tayo naman ay naghihintay, bakit hindi natin kausapin si Hesus? Minsan lang natin Siya makasama sa Kanyang tunay na presensiya sa altar kung saan naroroon ang Kanyang Banal na Katawan at Dugo. Naghihintay si Hesus doon at buhay na buhay, wala iyon sa ating bahay. Kaya marapat lang na bigyan natin Siya ng atensyong nararapat para sa Kanya.


6. MAGDASAL BAGO MAGSIMULA AT MATAPOS ANG MISA


Ang pagdarasal bago magsimula ang Misa ay makatutulong upang tayo ay maging handa sa selebrasyon. Nakatutulong din ito para magkaroon tayo ng pokus at makilahok nang buo. May mga ilang panalangin na maaari nating dasalin upang ihanda ang ating sarili sa pagtanggap ng Banal na Komunyon, upang tanggapin natin Siya nang may kahandaan sa pamamagitan ng panalangin.


Ang pagdarasal naman pagkatapos ng Misa ay makatutulong din upang pasalamatan ang Diyos sa biyaya at grasyang ibinigay Niya sa atin. Makatutulong din ito upang ilayo tayo sa masama at sa kasalanan paglabas ng simbahan.


Sanggunian: Knights of the Holy Eucharist. (2019, December 11). Prayer before Mass and Prayer after Mass | Knights of The Holy Eucharist.

https://www.knightsoftheholyeucharist.com/prayers-before.../


7. MAG-AYUNO NG ISANG ORAS BAGO TUMANGGAP NG KOMUNYON (EUCHARISTIC FAST)


Dapat ang taong tatanggap ng Banal na Komunyon ay mayroong pag-aayuno na hindi bababa sa isang oras. Ayon nga sa code of Canon Law 919 §1. "A person who is to receive the Most Holy Eucharist is to abstain for at least one hour before holy communion from any food and drink, except for only water and medicine."

Sanggunian: Code of Canon Law - Book IV - Function of the Church Liber (Cann. 879-958). (n.d.). https://www.vatican.va/.../cic_lib4-cann879-958_en.html


8. HUWAG UMALIS PAGKATAPOS TUMANGGAP NG BANAL NA KOMUNYON.


Iwasan natin ang umalis pagkatapos tumanggap ng Banal na Komunyon. Sa halip na umalis, dapat ay magkaroon tayo ng tahimik na sandali upang pasalamatan ang Diyos. Dapat din tayong manatili hanggang sa huling pagpapala na may huling pag-antanda ng Krus upang sa ating pag-alis ay madala natin ang grasyang nakamtan natin sa ating mga kapatid. Tapusin natin ang Banal na Misa.

 

9. MAGKUMPISAL


Mahalaga ang pangungumpisal lalo na't kung tayo ay tatanggap ng Banal na Katawan ni Kristo sapagkat nililinis tayo nito sa ating mortal na kasalanan at inihahanda ang ating sarili sa pagtanggap ng komunyon. Ayon nga sa CCC  o Catechism of the Catholic Church 1457. "A person conscious of having committed a mortal sin must confess it before he or she receives Holy Communion."



Magkakaroon ng isa pang mortal na kasalanan ang isang taong tatanggap ng Banal na Komunyon nang hindi pa nakikipag-kasundo sa Diyos. Putol na ang ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng lubhang pagkasala, at kailangan muna itong ibalik sa pamamagitan ng tunay na pagsisisi at pagbabagong buhay bago maging tuluyang kaisa ng Diyos sa buhay at sa Banal na Komunyon. Kung hindi pa ito nagagawa, maaring dumalo sa Banal na Misa pero huwag munang tatanggap ng komunyon hanggang sa makapagkumpisal na ulit.


Sanggunian: Catechism of the Catholic Church - Paragraph # 1457. (n.d.). http://www.scborromeo.org/ccc/para/1457.htm



By KN Marcelo | OLA Social Communications February 5, 2025
Gaya ni San Blas, huwag nawa tayong mag-alinlangang ipagtanggol ang ating pananampalataya. Huwag tayong matakot sa pangungutya o pag-uusig.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications February 5, 2025
Kapag binigay natin nang buo ang sarili at buhay sa Diyos upang ang plano Niya ang masunod, magkakaroon tayo ng kasiyahan, kapanatagan ng loob at kapayapaan na hindi natin matatagpuan makuha man natin ang lahat ng yaman sa mundo.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 28, 2025
Makikita ang karunungan sa ating buhay kung ginagamit natin lahat ng ating kakayahan at kaalaman para sa papuri sa Panginoon at upang tulungan ang iba na mapalapit sa Kanya.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 24, 2025
Si San Francisco ng Sales ay isang obispo at pantas ng Simbahan. Siya ay kilala bilang “the gentleman saint”.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 20, 2025
Maaaring hindi natin nararanasan ang pagdurusa na naramdaman ng santo na ating ginugunita ngayon, ngunit tayo ba ay patuloy na naninindigan sa ating pananampalataya?
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 19, 2025
Malapit sa puso ng mga Pilipino ang debosyon sa Señor Sto. Niño. Sa wikang Ingles, ang ibig sabihin nito ay “Holy Child”. Ang “Holy Child” na ito ay walang iba kundi si Hesus.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 17, 2025
Isa sa kanyang sikreto sa kabanalan ay ang pagdarasal sa Diyos sa maraming beses sa isang araw, lalo na oras ng temptasyon mula kay Satanas.
By KN Marcelo | OLA Social Communications January 15, 2025
Tuwing ika-15 ng Enero ay ginugunita ng Simbahan ang kabanalan ni San Arnold Jannsen. 
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 12, 2025
Ang pagbibinyag ni Juan Bautista kay Hesus ay hudyat ng simula ng pampublikong ministeryo ng ating Panginoon. Magsisimula na ang tatlong taon Niyang pamamalagi sa mundo upang magpagaling ng mga maysakit, magpalayas ng demonyo at mangaral ng Mabuting Balita.
By KN Marcelo | OLA Social Communications January 9, 2025
Nakikita ng mga tao ang kanilang paghihirap sa paghihirap ng Panginoon. Dahil sa Kanya, nararamdaman ng bawat deboto na mayroong Diyos na pwede nilang lapitan – Diyos na handang dumamay sa kanilang pinagdaraanan at nakaiintindi sa kanilang nararamdaman.
More Posts
Share by: