Tuwing ika-21 ng Setyembre ay ipinagdiriwang ng Simbahan ang Kapistahan ni San Mateo Apostol at Ebanghelista. Siya ay anak ni Alfeo at kilala rin bilang Levi. Siya ay nagtatrabaho bilang taga-singil ng buwis at tinawag ni Hesus upang maging alagad nito. Siya ang manunulat ng unang Ebanghelyo sa Bagong Tipan. Simbolo niya ang lalaking may pakpak o anghel kasama ang aklat at isang pluma tanda ng kanyang pagiging ebanghelista. Siya ay nagpunta sa Ethiopia upang mangaral at doon ay naging martir.
Bilang mga Kristiyano, inaanyayahan tayong tularan si San Mateo. Siya ay nag-alay ng buhay para sa pagpapalaganap ng ebanghelyo at pananampalatayang Kristiyano. Tayo rin nawa ay kumilos upang maipahayag ang Mabuting Balita. Sa maraming pagkakataon, hindi natin kailangan magpunta sa ibang lugar o mangaral sa publiko. Sapat na ang paggawa ng kabutihan sa kapwa o paninindigan sa katotohanan upang maipahayag na si Kristo ang ating Panginoon.
San Mateo Apostol at Ebanghelista, ipanalangin mo kami!