PAGHAHANDA NG SARILI | Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon
Marga de Jesus | OLA Social Communications

Nobyembre 12, 2023

MABUTING BALITA

Mateo 25, 1-13

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo


Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad ang talinghagang ito: “Dito maitutulad ang pagpasok sa kaharian ng Diyos: may sampung dalagang lumabas upang sumalubong sa lalaking ikakasal. Bawat isa’y may dalang ilawan. Ang lima sa kanila’y hangal at ang lima’y matalino. Ang mga hangal ay nagdala ng kanilang mga ilawan ngunit hindi nagbaon ng langis. Subalit ang matatalino’y nagdala ng langis bukod pa sa nasa kanilang ilawan. Nabalam ng dating ang lalaking ikakasal, kaya’t inantok silang lahat at nakatulog.


Ngunit nang hatinggabi na’y may sumigaw: ‘Narito na ang lalaking ikakasal! Salubungin ninyo!’ Agad nagbangon ang sampung dalaga at inayos ang kanilang ilawan. Sinabi ng mga hangal sa matatalino, ‘Bigyan naman ninyo kami ng kaunting langis. Aandap-andap na ang aming mga ilawan, e!’ ‘Baka hindi magkasiya ito sa ating lahat,’ tugon ng matatalino. (…) Kaya’t lumakad ang limang hangal na dalaga. Samantalang bumibili sila, dumating ang lalaking ikakasal.


Ang limang nakahanda ay kasama niyang pumasok sa kasalan, at ipininid ang pinto.

(…) Tumugon siya, ‘Sinasabi ko sa inyo: hindi ko kayo nakikilala.’ Kaya magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam ang araw ni ang oras.”


Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


PAGNINILAY:


Nalalapit na ang pagtatapos ng ating kalendaryong liturhikal. Dalawang linggo na lamang at Dakilang Kapistahan na po ng Pagkahari ng Panginoong HesuKristo o “Christ the King” sa wikang Ingles. Tuwing matatapos na ang taon ng Simbahan, pinapaalalahanan tayo na ang mundo ay magwawakas at ang Panginoon ay darating sa wakas ng panahon. Mayroon tayong paghuhusgang daraanan. Isa rito ay ating pagkamatay at isa ay sa katapusan ng mundo. Paano tayo maghahanda para rito?


Nawawala ang konsepto ng paghahanda kapag mayroon nang ibang bagay na higit na mahalaga kaysa sa Diyos para sa atin. Kahit anong bagay na nagpapaikot sa buhay natin liban sa Diyos ay maaaring nakakasama na. Ang ilawan sa ebanghelyo ay maaaring simbolo ng ating pakikipag-isa sa Diyos sa isip, sa salita at sa gawa. Kasama rito ang mabubuting gawa at salita na hindi man laging gusto ng tao ay kalugud-lugod sa paningin ng Diyos.


Kung ang ginagawa natin ay yung “tama lang” sa tingin ng tao, baka hindi ito sumapat para tayo’y makarating sa Langit dahil ang pamantayan natin ay ang tingin ng iba. Ang paraan ng tao lalo ngayon ay ang pagkahilig sa materyal na bagay, kasikatan sa social media at marami pang iba na puro ukol sa sarili. Ang tinitingnan ng Diyos ay ang pagsunod sa Kanyang Salita at kawanggawa nang may pag-ibig. Nagagawa ba natin ito o tila abala na tayo sa mga bagay sa mundo?


Sa buhay ba natin ay kasama ba ang paghahanda para sa Langit? Kung gusto nating maghanda, magsimba tayo kada Linggo man lamang, magkumpisal at tumalikod sa mortal na pagkakasala. Alam dapat natin ito bilang Katoliko. Kung tayo’y nakakabasa ng tungkol sa buhay ng mga artista, bakit hindi ang tungkol sa pagkukumpisal at kung paano ito gawin? Kung tayo’y nakakabili ng maraming pagkain na sobra pa para sa atin at nakakakain pa sa labas, anong humaharang sa atin para bilhan din ang kahit isang taong nagugutom man lamang?


Mahirap tumulong kung walang pagmamahal ngunit kung mayroon, ito’y madali lang. Tandaan lamang natin na ang paggawa ng mabuti na kalooban ng Diyos ang daan sa langit, hindi ang simpleng pagsasaya sa buhay dito sa mundo.


Mahal na Ina ng mga Walang Mag-ampon, ipanalangin mo kami upang magawa namin ang kalooban ng Diyos.


Amen. +


Mababasa po ang buong ebanghelyo sa Awit at Papuri Communications website.


PAALALA: Sa araw ng Linggo ay magsimba po tayo. Narito po ang oras ng mga Banal na Misa sa ating Parokya: 5:00 AM, 6:30 AM, 8:00 AM, 9:30 AM, 11:30 AM, 4:00 PM, 5:15 PM, at 6:30. Ito ay ating Banal na Obligasyon.


Maraming salamat po. Pagpalain po nawa tayo ng Panginoon at patuloy na ipanalangin ng ating Mahal na Ina ng mga Walang Mag-ampon.

By KN Marcelo | OLA Social Communications February 5, 2025
Gaya ni San Blas, huwag nawa tayong mag-alinlangang ipagtanggol ang ating pananampalataya. Huwag tayong matakot sa pangungutya o pag-uusig.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications February 5, 2025
Kapag binigay natin nang buo ang sarili at buhay sa Diyos upang ang plano Niya ang masunod, magkakaroon tayo ng kasiyahan, kapanatagan ng loob at kapayapaan na hindi natin matatagpuan makuha man natin ang lahat ng yaman sa mundo.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 28, 2025
Makikita ang karunungan sa ating buhay kung ginagamit natin lahat ng ating kakayahan at kaalaman para sa papuri sa Panginoon at upang tulungan ang iba na mapalapit sa Kanya.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 24, 2025
Si San Francisco ng Sales ay isang obispo at pantas ng Simbahan. Siya ay kilala bilang “the gentleman saint”.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 20, 2025
Maaaring hindi natin nararanasan ang pagdurusa na naramdaman ng santo na ating ginugunita ngayon, ngunit tayo ba ay patuloy na naninindigan sa ating pananampalataya?
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 19, 2025
Malapit sa puso ng mga Pilipino ang debosyon sa Señor Sto. Niño. Sa wikang Ingles, ang ibig sabihin nito ay “Holy Child”. Ang “Holy Child” na ito ay walang iba kundi si Hesus.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 17, 2025
Isa sa kanyang sikreto sa kabanalan ay ang pagdarasal sa Diyos sa maraming beses sa isang araw, lalo na oras ng temptasyon mula kay Satanas.
By KN Marcelo | OLA Social Communications January 15, 2025
Tuwing ika-15 ng Enero ay ginugunita ng Simbahan ang kabanalan ni San Arnold Jannsen. 
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 12, 2025
Ang pagbibinyag ni Juan Bautista kay Hesus ay hudyat ng simula ng pampublikong ministeryo ng ating Panginoon. Magsisimula na ang tatlong taon Niyang pamamalagi sa mundo upang magpagaling ng mga maysakit, magpalayas ng demonyo at mangaral ng Mabuting Balita.
By KN Marcelo | OLA Social Communications January 9, 2025
Nakikita ng mga tao ang kanilang paghihirap sa paghihirap ng Panginoon. Dahil sa Kanya, nararamdaman ng bawat deboto na mayroong Diyos na pwede nilang lapitan – Diyos na handang dumamay sa kanilang pinagdaraanan at nakaiintindi sa kanilang nararamdaman.
More Posts
Share by: