“TUNAY NA PAGSISISI” | Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda
Marga de Jesus | OLA Social Communications

“Pagsisihan at talikdan ang mga kasalanan”. Ito ang buod ng Kuwaresma. Ito rin ang dapat nating ginagawa bilang paghahanda sa darating na Semana Santa.

Pebrero 18, 2024.


MABUTING BALITA
Marcos 1, 12-15

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos


Noong panahong iyon, si Hesus ay agad pinapunta ng Espiritu sa ilang. Nanatili siya roon ng apatnapung araw, na tinutukso ni Satanas. Maiilap na hayop ang naroon ngunit si Hesus ay pinaglilingkuran ng mga anghel.

Pagkatapos dakpin si Juan, si Hesus ay nagtungo sa Galilea at ipinangaral ang Mabuting Balitang mula sa Diyos: “Dumating na ang takdang panahon, at malapit na ang paghahari ng Diyos! Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan at maniwala kayo sa Mabuting Balita ito.”


Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Pagninilay:


Ano ba ang tunay na nakalulugod sa Diyos? Hindi Siya tulad ng tao na natutuwa sa saglit na katanyagan. Ang totoo’y halos lahat tayo ay makakalimutan pagtapos mamatay sa pagdaan ng mga henerasyon. Hindi Siya tulad nating mga nilalang sa lupa na namamangha sa edukasyon, talento, abilidad at ganda ng mukha o pangangatawan. Iisa lang ang tinitingnan ng Diyos – ang kalooban ng tao.

Ang mahalaga sa Diyos ay ang pusong nagsisisi at mapagkumbaba dahil ito lang ang pusong mayroong puwang para sa Kanya. Tayo ay nilikha ng Diyos para sa Diyos. May plano Siya para sa atin. Kaya nagiging miserable ang tao dahil puro plano niya ang gustong matupad sa kanyang buhay. Dapat tayong magtanong kung sino tayo sa mata ng Diyos at kung ano ang Kanyang plano para sa atin. Dito tayo magiging panatag, buo at payapa.

Hindi natin ito madidiskubre kung hindi tayo babalik sa Diyos. Malalaman lang natin ang kalooban Niya kung tayo’y mananalangin at magsisisi sa ating mga kasalanan at pagkukulang. Magkumpisal tayo at magsimba. Sikapin nating gawin ang resolusyon upang huwag magkasala sa tulong ng Diyos, gaano man ito kahirap at madapa man tayo nang paulit-ulit.

Ang pusong malinis ang pinakikinggan ng Diyos. Magkaroon man siya ng pagsubok ay madali siyang makatatayo. Ang pusong nagsisisi at mababa ang loob ay malapit sa Diyos, hindi ang isang taong nagmamalaking siya ang magaling sa kanyang buhay. Ito ang panahon upang tayo’y manalangin at magsisi habang tayo ay may oras pa.

By KN Marcelo | OLA Social Communications February 5, 2025
Gaya ni San Blas, huwag nawa tayong mag-alinlangang ipagtanggol ang ating pananampalataya. Huwag tayong matakot sa pangungutya o pag-uusig.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications February 5, 2025
Kapag binigay natin nang buo ang sarili at buhay sa Diyos upang ang plano Niya ang masunod, magkakaroon tayo ng kasiyahan, kapanatagan ng loob at kapayapaan na hindi natin matatagpuan makuha man natin ang lahat ng yaman sa mundo.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 28, 2025
Makikita ang karunungan sa ating buhay kung ginagamit natin lahat ng ating kakayahan at kaalaman para sa papuri sa Panginoon at upang tulungan ang iba na mapalapit sa Kanya.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 24, 2025
Si San Francisco ng Sales ay isang obispo at pantas ng Simbahan. Siya ay kilala bilang “the gentleman saint”.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 20, 2025
Maaaring hindi natin nararanasan ang pagdurusa na naramdaman ng santo na ating ginugunita ngayon, ngunit tayo ba ay patuloy na naninindigan sa ating pananampalataya?
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 19, 2025
Malapit sa puso ng mga Pilipino ang debosyon sa Señor Sto. Niño. Sa wikang Ingles, ang ibig sabihin nito ay “Holy Child”. Ang “Holy Child” na ito ay walang iba kundi si Hesus.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 17, 2025
Isa sa kanyang sikreto sa kabanalan ay ang pagdarasal sa Diyos sa maraming beses sa isang araw, lalo na oras ng temptasyon mula kay Satanas.
By KN Marcelo | OLA Social Communications January 15, 2025
Tuwing ika-15 ng Enero ay ginugunita ng Simbahan ang kabanalan ni San Arnold Jannsen. 
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 12, 2025
Ang pagbibinyag ni Juan Bautista kay Hesus ay hudyat ng simula ng pampublikong ministeryo ng ating Panginoon. Magsisimula na ang tatlong taon Niyang pamamalagi sa mundo upang magpagaling ng mga maysakit, magpalayas ng demonyo at mangaral ng Mabuting Balita.
By KN Marcelo | OLA Social Communications January 9, 2025
Nakikita ng mga tao ang kanilang paghihirap sa paghihirap ng Panginoon. Dahil sa Kanya, nararamdaman ng bawat deboto na mayroong Diyos na pwede nilang lapitan – Diyos na handang dumamay sa kanilang pinagdaraanan at nakaiintindi sa kanilang nararamdaman.
More Posts
Share by: