Ika-22 ng Disyembre
MABUTING BALITA
Lucas 1, 57-66
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Dumating ang oras ng panganganak ni Elisabet, at nagluwal siya ng isang sanggol na lalaki. Nabalitaan ng kanyang mga kapitbahay at mga kamag-anak na siya’y pinagpala ng Panginoon, at nakigalak sila sa kanya.
Nang ikawalong araw, dumalo sila sa pagtutuli ng sanggol. Zacarias sana ang ipangangalan sa kanya – gaya ng kanyang ama – ngunit sinabi ng kanyang ina,
“Hindi! Juan ang ipangangalan sa kanya.” “Subalit wala isa man sa iyong mga kamag-anak ang may ganyang pangalan,” wika nila. Kaya’t hinudyatan nila ang kanyang ama at itinanong kung ano ang ibig niyang itawag sa sanggol. Humingi siya ng masusulatan at sumulat ng ganito: “Juan ang kanyang pangalan.” At namangha silang lahat. Pagdaka’y nakapagsalita siya at nagpuri sa Diyos.
Natakot ang lahat ng kanilang kapit-bahay, anupat naging usap-usapan sa buong kaburulan ng Judea ang mga bagay na ito. Pinakaisip-isip ito ng lahat ng nakaalam at ang kanilang tanong: “Magiging ano nga kaya ang batang ito?” Sapagkat maliwanag na sumasakanya ang Panginoon.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Homily Highlights ni Rev. Fr. Lambert Ramos
"Ihanda ang pagdating ng Hari ng mga hari pero ang ihahanda ay hindi kalsada ngunit ang inyong mga sarili, ang inyong puso, isip, at diwa. At kung magkaroon ng pagbabago, pagbabago sa inyong kaisipan at isakatuparan sa kilos, gawa, at lalo na sa salita."
"As we now continue to prepare for the next two days for the incarnation of the Lord, let us bear in mind that the happiness we will be receiving on Christmas day, together with that, is the responsibility of being true to what the Lord is asking us to do. To be good children of God, the way John has prepared the coming of our Lord Jesus Christ."
Mark Andrei de Leon | OLA Social Communications
#OLAmarikina #BirhenNgMarikina