HUWEBES SANTO, ANG BAGONG UTOS | Gabay sa Pagbibihilya at Visita Iglesia
Jasper Rome | OLA Social Communications

Tuwing Huwebes Santo ay hindi iginagawad ang huling pagbabasbas. Hinuhubaran ng pari ang altar at inaalis ang Eukaristiya sa Tabernakulo upang ilipat sa Altar ng Repositoryo. Magkakaroon din ng Bihilya pagkatapos nito.

Marso 28, 2024.


Ipinagdiriwang ngayon ng Simbahan ang Huwebes Santo. Ang Huwebes Santo o “Maundy Thursday” ay hango sa wikang latin na “mandato” ibig sabihin ay utos. Sa araw na ito, inaalala natin ang Huling Hapunan ng Panginoon at ang Pagtatatag Niya sa Banal na Eukaristiya. Sa pagkain nila sa hapag, hinugasan ng Panginoon ang kanilang mga paa at binigyan sila ng utos:


“Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo ngayon: magmahalan kayo! Kung paano ko kayo minahal, gayundin naman, magmahalan kayo. Kung kayo'y may pagmamahal sa isa't isa, makikilala ng lahat na kayo'y mga alagad ko.” (Juan 13:34-35)


Sa Huling Hapunan ay nagsama-sama ang alagad kasama ang Panginoon. Doon ay pinagpira-piraso ni Hesus ang tinapay at iniabot sa kanila ang alak. Kasama nito ay ang mga salitang sinabi Niya: “Gawin ninyo ito, sa pag-alala sa akin”. Habang inaanyayahan ni Hesus ang mga alagad sa Banal na Hapunan, tayo rin ay inaanyayahan na tanggapin Siya sa Eukaristiya. Sa sama-samang Paghahapunan ng Panginoon at ng mga alagad, pinapaalala nito na tayo ay mag-ibigan at magpatawad. Tayo rin ay magpakumbaba tulad ng halimbawa ni Hesus sa paghugas Niya sa paa ng mga alagad. 


Kasama ng pagtatatag ni Hesus ng Banal na Eukaristiya ay ang pagtatatag din ng Banal na Orden o ang pagpapari. Kaya sa umaga, ipinagdiriwang ang Misa ng Krisma o Chrism Mass sa mga katedral. Dito ay sinarariwa ng mga pari ang pangako nila sa Diyos. Ipanalangin po natin sila. Sa Misang ito rin binabasbasan ang mga langis na ginagamit sa Sakramento ng Pagpapahahid ng Langis sa Maysakit. 


MGA GAWAIN AT GABAY SA HUWEBES SANTO


Tuwing Huwebes Santo ay hindi iginagawad ang huling pagbabasbas. Hinuhubaran ng pari ang altar at inaalis ang Eukaristiya sa Tabernakulo upang ilipat sa Altar ng Repositoryo. Magkakaroon din ng Bihilya pagkatapos nito. Tandaan po natin na tuwing daraan tayo sa harapan ng Altar ng Repositoryo ay kailangan nating lumuhod gamit isang tuhod man lamang para magbigay galang sa Kabanal-banalang Katawan at Dugo ni Hesus. Ang hindi makaluluhod ay maaring yumuko nang may buong paggalang. 


Sinisimulan din ng mga mananampalataya ang Visita Iglesia. Sa espesyal na tradisyong ito, ang mga peregrino ay dumadalaw at bumibisita kay Hesus sa pitong Altar ng Repositoryo. Ang bawat pagbisita ay pagninilay sa pitong huling lugar na pinuntahan ni Hesus. Simula sa Kanyang pagkakadakip hanggang sa Kanyang kamatayan sa Krus. 


Hindi rin muna ipinapayo na dasalin ang Istasyon ng Krus sa araw na ito. Dapat natin ituon ang ating pansin na bisitahin ang Panginoon sa Altar ng Repositoryo. Doon ay nakatago Siya sa tabernakulo sa anyo ng puting tinapay. Makakausap natin Siya roon. Maglaan tayo ng isang oras upang Siya ay sambahin at kausapin sa Altar, alinsunod sa sinabi Niya:


“Talaga bang hindi kayo makapagpuyat na kasama ko kahit isang oras man lamang? Magbantay kayo at manalangin upang huwag kayong madaig ng tukso. Ang espiritu'y nakahanda ngunit ang laman ay mahina.” (Mateo 26:40-41).

 

Ngayong Huwebes Santo, ating sinasariwa ang huling gabi ng Panginoon. Isang gabi bago Niya tuluyang ialay ang Kanyang buhay sa Krus. Sa pagninilay natin ngayon, ipinakita ni Hesus sa mga alagad ang pagsasabuhay ng utos. 


Una, tayo ay magpakumbaba at maglingkod. Ipinakita ito ni Hesus nang hugasan Niya ang paa ng mga alagad. Pangalawa tayo ay mag-ibigan at mag-alay sa kapwa. Ito ay binigyan Niya ng kahulugan sa Huling Hapunan. 


Tulad ni Hesus, tayo rin ay magpaka-aba upang maitampok natin ang iba. Tularan natin Siya sa Kanyang paglilingkod at pag-aalay. Sa ating mga sakripisyo, hindi man natin maunawaan ang kahulugan nito. Pangako ng Diyos na ang lahat ay magiging makabuluhan kapag natupad na ang Kanyang plano para sa lahat. 


By KN Marcelo | OLA Social Communications February 5, 2025
Gaya ni San Blas, huwag nawa tayong mag-alinlangang ipagtanggol ang ating pananampalataya. Huwag tayong matakot sa pangungutya o pag-uusig.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications February 5, 2025
Kapag binigay natin nang buo ang sarili at buhay sa Diyos upang ang plano Niya ang masunod, magkakaroon tayo ng kasiyahan, kapanatagan ng loob at kapayapaan na hindi natin matatagpuan makuha man natin ang lahat ng yaman sa mundo.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 28, 2025
Makikita ang karunungan sa ating buhay kung ginagamit natin lahat ng ating kakayahan at kaalaman para sa papuri sa Panginoon at upang tulungan ang iba na mapalapit sa Kanya.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 24, 2025
Si San Francisco ng Sales ay isang obispo at pantas ng Simbahan. Siya ay kilala bilang “the gentleman saint”.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 20, 2025
Maaaring hindi natin nararanasan ang pagdurusa na naramdaman ng santo na ating ginugunita ngayon, ngunit tayo ba ay patuloy na naninindigan sa ating pananampalataya?
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 19, 2025
Malapit sa puso ng mga Pilipino ang debosyon sa Señor Sto. Niño. Sa wikang Ingles, ang ibig sabihin nito ay “Holy Child”. Ang “Holy Child” na ito ay walang iba kundi si Hesus.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 17, 2025
Isa sa kanyang sikreto sa kabanalan ay ang pagdarasal sa Diyos sa maraming beses sa isang araw, lalo na oras ng temptasyon mula kay Satanas.
By KN Marcelo | OLA Social Communications January 15, 2025
Tuwing ika-15 ng Enero ay ginugunita ng Simbahan ang kabanalan ni San Arnold Jannsen. 
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 12, 2025
Ang pagbibinyag ni Juan Bautista kay Hesus ay hudyat ng simula ng pampublikong ministeryo ng ating Panginoon. Magsisimula na ang tatlong taon Niyang pamamalagi sa mundo upang magpagaling ng mga maysakit, magpalayas ng demonyo at mangaral ng Mabuting Balita.
By KN Marcelo | OLA Social Communications January 9, 2025
Nakikita ng mga tao ang kanilang paghihirap sa paghihirap ng Panginoon. Dahil sa Kanya, nararamdaman ng bawat deboto na mayroong Diyos na pwede nilang lapitan – Diyos na handang dumamay sa kanilang pinagdaraanan at nakaiintindi sa kanilang nararamdaman.
More Posts
Share by: