DEBOSYON KAY INANG MARIA | Cinco Coronadas

Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging madasalin. Ito’y bahagi ng pananampalataya na ating nakagisnan magmula pa noong una.

Ika-23 ng Nobyembre, 2023.


Bahagi ito ng gampanin natin sa Simbahang itinatag ni Kristo na yumabong at luminang sa Kristiyanismo sa ating bansa. Saklaw dito ang isang natatanging bahagi ng ating pananampalataya bilang mga Kristiyanong Katoliko; ang pagdedebosyon at pagpaparangal kay Maria bilang Ina ng Diyos.


Ang debosyon sa Mahal na Birheng Maria ay maituturing na tanyag sa buong mundo, partikular na sa ating bansa dahil na rin sa mataas na porsiyento ng mananampalatayang Katoliko sa Pilipinas. Dahil dito, nag-ugat ang kataga na “Pueblo Amante de Maria” na sa Filipino, “Ang Bayang Sumisinta kay Maria”. Sa kabila ng debosyong ito, hindi maiiwasan na ito ay kwestyunin at tuligsain dahil sa iba’t ibang katanungang nabuo sa isip ng madla kaugnay sa masidhing pagkapit ng mga tao sa Mahal na Birheng Ina ng Diyos. Kabilang sa usapin na ito ang pagkakaroon ng imahen ni Maria, pagpuprusiyon, pagnonobena, pagrorosaryo, at iba pang mga akto ng matimyas na pagpaparangal sa kanya. Mula rito, makikita natin na sa kabila ng isyung ito kaugnay sa ating pananampalataya, nagpapatuloy pa rin ang marubdob na debosyon at pamimintuho sa kanya dahil sa maraming dahilan na nagkaroon ng mahalagang papel ang Mahal na Birhen sa buhay ng bawat isa.


Ang buhay ni Maria ay maituturing na huwaran dahil sa misyong ginampanan niya sa kasaysayan ng kaligtasan. Sa Bibliya, makailang ulit ding nabanggit ang kanyang ngalan lalo na sa mga Aklat ng Mabuting Balita nina San Lukas at San Mateo. Isa sa mga natatanging sulat na tanyag na may kaugnayan sa kanya ay ang pagtalima niya nang walang alinlangan at may buong pagpapakumbaba sa utos ng Diyos. Nangyari ito sa pamamagitan ng pagdalaw ng anghel na si San Gabriel sa kanya sa Nazaret. Sa tagpong ito natupad na maipagkaloob ng Diyos sa sangkatuhan ang Kanyang Anak na si Hesus na tutubos sa atin mula sa kasalanan.



Mula rito, makikita natin kung bakit nananahan si Maria sa puso ng bawat isa. Dahil ang kanyang buhay ay nagsisilbing huwaran ng kababaang loob, pagiging masunurin, at pagsasakripisyo. Malinaw itong dahilan kung bakit karapat-dapat siyang tawaging “Ina ng Diyos”, hindi lamang dahil siya ang ina ni Hesus ngunit dahil siya ang Ina ng Diyos na nararapat nating igalang at mahalin tulad ng paghahabilin ni Hesus sa kanyang ina kay San Juan Ebanghelista habang siya ay nakabayubay sa Krus.


Matagal-tagal na rin namamayagpag ang pagdedebosyon kay Maria lalo na sa ating bansa. Naging bahagi na nga ng ating buhay ang walang maliw na pagpipitagan sa kaniya sa maraming paraan: pagrorosaryo, pagnonobena, pagdaraos ng mga kapistahang may kaugnayan sa kanya, pagtuturo ng katekesis kaugnay sa kanya, at marami pang iba. Ang mga ito ay hindi mga aktong pagsamba kay Maria. Ang mga ito ay gawain lamang na ngpapahayag ng paggalang at pagpaparangal sa kanya bilang Ina ni Hesus na ating Panginoong Diyos.


Iba’t iba ang titulo ni Maria tulad sa Diyosesis ng Antipolo na mayroong limang “koronada”: Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay (Birhen ng Antipolo), Ina ng mga Walang Mag-ampon (Birhen ng Marikina), Mahal na Birhen ng Aranzazu (Birhen ng San Mateo), Inang Santisima ng Kaliwanagan (Birhen ng Cainta), at Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo (Birhen ng Sapao). Ang mga imahen nabanggit ay nagawaran ng Koronasyong Kanonikal na iginagawad mula sa luklukan ng Santo Papa dahil sa mayabong na debosyong itinatanghal ng sambayanang Kristiyano sa isang partikular na titulo ng Mahal na Birhen. Ang dahilan ay upang ito ay kilalalin at bigyan ng halaga sa ating Simbahan. Paulit-ulit na makikita ang dahilan na “paggalang at pagpaparangal” dahil iyon ang tunay na layunin kung bakit tayo nagpapatuloy sa pagdedebosyon sa kanya.



  • Mahal na Birhen ng Aranzazu

    Cinco Coronadas

    Mahal na Birhen ng Aranzazu (Birhen ng San Mateo)

    Button
  • Slide title

    Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo (Birhen ng Sapao)

    Button
  • Slide title

    Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay (Birhen ng Antipolo)

    Button
  • Slide title

    Ina ng mga Walang Mag-ampon (Birhen ng Marikina)

    Button
  • Slide title

    Inang Santisima ng Kaliwanagan (Birhen ng Cainta)

    Button

Maraming dahilan kung bakit tayo nagpapatuloy at naniniwala sa ating nakagisnang pananampalataya. Marahil ay isa rito ang walang maliw nating pagkilala kay Maria bilang Ina ng Diyos at atin ding ina. Nagsisilbi natin siyang gabay at koneksyon upang mapanatiling matatag ang ugnayan natin sa Diyos. Sa iba’t ibang paraan, naipapakita natin na minamahal natin si Maria tulad ng pagmamahal ni Hesus sa kanya. Walang sinumang anak ang hindi nagmamahal sa kanyang ina dahil sa sakripisyo na bunga ng pagmamahal.


Tulad ng naganap na prusisyon noong ika-21 ng Nobyembre sa Bayan ng Cainta, sa Pandiyosesis na Dambana at Parokya ng Ina ng Kaliwanagan na kinalahukan ng iba’t ibang delegasyon mula sa iba’t ibang pandiyosesis na dambana at parokya bilang kinatawan ng limang koronadang imahen ni Maria sa ating diyosesis, maging matatag din tayo sa pagkapit natin sa ating debosyon at pamimintuho bilang bahagi ng ating pananampalataya. Matanda man o bata, maging silbi nawa si Maria na ating talang marilag na gumagabay sa ating buhay espirituwal upang tayo’y makapaglingkod sa Diyos at kapuwa.  Iba’t iba man ang titulo ni Maria, mananatili siyang si Maria; ang Ina ng Diyos at ina nating lahat.


Gabriel Hans Ordoñez | OLA Social Communications


By KN Marcelo | OLA Social Communications February 5, 2025
Gaya ni San Blas, huwag nawa tayong mag-alinlangang ipagtanggol ang ating pananampalataya. Huwag tayong matakot sa pangungutya o pag-uusig.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications February 5, 2025
Kapag binigay natin nang buo ang sarili at buhay sa Diyos upang ang plano Niya ang masunod, magkakaroon tayo ng kasiyahan, kapanatagan ng loob at kapayapaan na hindi natin matatagpuan makuha man natin ang lahat ng yaman sa mundo.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 28, 2025
Makikita ang karunungan sa ating buhay kung ginagamit natin lahat ng ating kakayahan at kaalaman para sa papuri sa Panginoon at upang tulungan ang iba na mapalapit sa Kanya.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 24, 2025
Si San Francisco ng Sales ay isang obispo at pantas ng Simbahan. Siya ay kilala bilang “the gentleman saint”.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 20, 2025
Maaaring hindi natin nararanasan ang pagdurusa na naramdaman ng santo na ating ginugunita ngayon, ngunit tayo ba ay patuloy na naninindigan sa ating pananampalataya?
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 19, 2025
Malapit sa puso ng mga Pilipino ang debosyon sa Señor Sto. Niño. Sa wikang Ingles, ang ibig sabihin nito ay “Holy Child”. Ang “Holy Child” na ito ay walang iba kundi si Hesus.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 17, 2025
Isa sa kanyang sikreto sa kabanalan ay ang pagdarasal sa Diyos sa maraming beses sa isang araw, lalo na oras ng temptasyon mula kay Satanas.
By KN Marcelo | OLA Social Communications January 15, 2025
Tuwing ika-15 ng Enero ay ginugunita ng Simbahan ang kabanalan ni San Arnold Jannsen. 
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 12, 2025
Ang pagbibinyag ni Juan Bautista kay Hesus ay hudyat ng simula ng pampublikong ministeryo ng ating Panginoon. Magsisimula na ang tatlong taon Niyang pamamalagi sa mundo upang magpagaling ng mga maysakit, magpalayas ng demonyo at mangaral ng Mabuting Balita.
By KN Marcelo | OLA Social Communications January 9, 2025
Nakikita ng mga tao ang kanilang paghihirap sa paghihirap ng Panginoon. Dahil sa Kanya, nararamdaman ng bawat deboto na mayroong Diyos na pwede nilang lapitan – Diyos na handang dumamay sa kanilang pinagdaraanan at nakaiintindi sa kanilang nararamdaman.
More Posts
Share by: